Samantala...Darating si Nemo na pagod na pagod dahil sa katatapos lang nitong maglinis ng garahe at mga sasakyan kasama si Poldo.
NEMO: Uy, may juice! Para kanino to? (aabutin ang baso) Hm, amin na muna to ha. Palitan ko na lang. (lalagukin ang laman ng baso) Hmm! Sarap! Isa pa nga.
Bubuksan nito ang ref at ilalabas ang pitsel ng juice tsaka ito magsasalin ulit. Then, tutunguhin nito ang lababo at huhugasan ang pinag-inuman. Afterward, kukuha ito ng bagong baso para salinan ng nasabing juice. Aabutin na sana nito ang pitsel nang bigla itong makaramdam ng pagkahilo at sobrang pananakit ng tiyan dahilan para mabitawan nito ang hawak. And in a matter of seconds, bigla na lang itong bubulagta at magsisimulang bumula ang bibig at mamuti ang mga mata nito.
Saktong darating si Vangie.
VANGIE: (agad na lalapitan ang kaibigan) Nemooooo! Diyos ko! Tulong! Tulong! Nemo...Nemo...anong nangyayari sayo? (maiiyak na ito) Tulong!
Magsisidatingan na ang ilang kasambahay.
MAMENG: Diyos ko! Menchie, tawagin mo Tatay Poldo niyo. Aida tawagin mo si Cora. Madali kayo!
Samantala...
LAIZA: Hello? Nagawa ko na po. Basta yong pangako niyo ha.
Pagkatapos kausapin ang nasa kabilang linya, agad nitong kukunin ang kanyang malaking bag at isa-isa din nitong kukunin ang kanyang mga gamit at isisilid dito.
LAIZA: Kailangan kong magmadali. Kailangan kong makaalis agad dito. Tamang-tama, sigurado akong nagkakagulo na silang lahat ngayon.
Sa taas, wala namang kaalam-alam si Luana sa mga nangyayari.
LUANA: Asan na si Vangie? Sabi niya, saglit lang siya. (lalabas ito ng kwarto) Anong meron sa baba? Ba't parang ang ingay ata nila.
Bababa siya para alamin ang nangyayari pero nakaalis na sila Poldo papuntang hospital pagkababa niya. Darating si Menchie. Bakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala.
LUANA: Mench, anong nangyayari? Ba't ganyan ang hitsura mo?
MENCHIE: Si...si Nemo kasi.
LUANA: Bakit, anong nangyari sa kanya?
MENCHIE: Nalason!
LUANA: Ano?!
MENCHIE: Nakita na lang namin siya na nakabulagta sa sahig, bumubula ang bibig.
LUANA: Diyos ko! (mapapaatras ito at masasapo ang tiyan)
MENCHIE: Luana! (agad na lalapitan ang dalaga) Luana...okay ka lang? (aalalayan nito ang dalaga at aakayin para maupo)
LUANA: Pa...paanong nangyari yon?
MENCHIE: Hindi rin namin alam kung anong nangyari.
LUANA: Diyos ko, wala sanang mangyaring masama sa kanya.
MENCHIE: Sana nga. Ipagdasal na lang natin.
Magri-ring ang phone.
MENCHIE: Hello? Sir Del!
RANDEL: Si Luana?
MENCHIE: Andito po.
RANDEL: Gusto ko siyang kausapin.
MENCHIE: Sige po. (lalapitan ulit ang dalaga) Kakausapin ka daw ni Sir Del. (hawak nito ang wireless receiver)
LUANA: (aabutin ang telepono) Randel...si Nemo. (maiiyak na ito)
