33 - Her Proposal, His Condition

3.4K 33 11
                                        

                   
Pagkabalik ni Luana sa may labahan...

NEMO:           O, ano nang nangyari? Bakit parang pinagbagsakan ng langit at lupa yang napakaganda mong fez?

VANGIE:        Oo nga. Kanina, kung makatawa ka, wagas, parang wala nang bukas.

LUANA:         (inis) Wala. Wag niyo na lang alamin.

VANGIE & NEMO:   Ito naman. Sige na.

LUANA:         Please, ayoko ng isipin yong lalaking yon. Ayoko siyang pag-usapan.

VANGIE:        Sige na nga. Pero ano nga uli yong sasabihin mo sana kanina tungkol kay sir?

NEMO:           Alam mo hindi ka rin makulit no? Bingi ka ba? Kasasabi lang na ayaw pag-usapan di ba?

VANGIE:        Ay sorry anman. Koryus lang kasi ako.

LUANA:         Guys, maiwan ko muna kayo.

VANGIE:        Ha? Saan ka pupunta?

LUANA:         Diyan lang sa tabi-tabi, magpapahangin lang. (sabay tayo)

NEMO:           Si...sige. Kita-kits later.

Tatango lang ang dalaga tsaka ito aalis.

VANGIE:        Anyare?

NEMO:           Ewan. Baka nagkabanggaan na naman sila.

VANGIE:        Hay...di na tayo nasanay.

NEMO:           Ano na naman kayang pinag-awayan nila?

Magkikibit-balikat lang si Vangie.

Bandang hapon...

Madadatnan ni Vangie si Luana na hinahalungkat ang mga gamit nila, tila may hinahanap.

VANGIE:        Ay, ano to? Parang dinaanan ng bagyo.

LUANA:         Pasensya na ha. Aayusin ko na lang ulit maya-maya. (puno ng pag-aalala sa magandang mukha nito)

VANGIE:        Bakit? Anong nangyari? Anong hinahanap mo?

LUANA:         Yong kwentas ko kasi, hindi ko mahanap.

VANGIE:         Baka naiwan mo na naman sa banyo.

LUANA:         Hindi. Wala dun. Na-check ko na siya.

VANGIE:        Baka naitago mo lang sa mga gamit mo.

LUANA:         Sana nga andito lang yon.

VANGIE:        Sige, tulungan na kita.

After a while...

VANGIE:        Prenship, wala talaga.

Mapapaupo sa may paanan ng kama, tila maiiyak na ito.

VANGIE:        Try mong isipin yong mga ginawa mo kanina. Baka naibulsa mo lang o di kaya—

LUANA:         Hindi ko alam...hindi ko na matandaan. (maihihilamos nito ang palad sa mukha) Basta ang alam ko nasa akin pa yon pagkaligo ko kanina.

VANGIE:        Sure ka? Hindi kaya nasa may kwadra yon...napigtas tas nahulog ba?

LUANA:         Hindi. Sure na sure ako na suot ko pa yon kanina pagbalik ko dito.

Hindi na nito matandaan na ibinulsa nito ang naturang kwentas sa sinuot na uniporme pagkalabas ng banyo.

LUANA:         (starts to cry) Vangie, anong gagawin ko?

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon