Sa mansion...RANDEL: Pasensya ka na pare sa nangyari. Medyo magugulatin talaga siya.
BRENT: Ano ka ba? Okay lang ako. Teka, bago ba siya dito?
RANDEL: Almost a year na.
BRENT: As gardener?
RANDEL: Nope. Housemaid.
BRENT: (halos di makapaniwala) What?! A housemaid? Seryoso?
RANDEL: O, anong nakakapagtaka dun?
BRENT: Wala naman. Para kasing...alam mo yon. Parang hindi naman siya mukhang maid...I mean—sorry...I don't wanna be mean to others pero nung mahawakan ko yong kamay niya kanina, 'twas like I've just held a hand of an angel. Ang lambot, parang alagang-alaga.
RANDEL: Guni-guni mo lang yon.
BRENT: Of course not.
RANDEL: Tss!
BRENT: Now, tell me, paano mo siya nakita? Saan mo siya nakuha?
RANDEL: It's a long story, pare. Don't worry malalaman mo rin.
BRENT: Ang swerte mo naman. Ako kaya, meron din kayang magkakamaling mag-apply sa bahay na kasing ganda niya? And she seems nice ha. Medyo may pagka-masungit...suplada, pero...sa una lang siguro yon.
RANDEL: You wish.
BRENT: Ibalato mo na lang kaya siya sa akin?
RANDEL: What?! (halos magdugtong ang mga kilay nito)
BRENT: Pwede ka pa naman sigurong makahanap ng kapalit niya, di ba?
RANDEL: Huh! (nangingiting mapapailing) Di ka pa rin talaga nagbabago when it comes to women.
BRENT: No, pare. I'm serious.
RANDEL: Serious ka diyan. Tigilan mo nga ko. Kilalang kilala na kita uy. Ikaw talaga, walang patawad. Pati kawawang maid, bibiktimahin mo pa. Maghanap ka na lang ng iba na pwede mong paglaruan. Wag na lang siya.
BRENT: Grabe naman to. Ano bang iniisip mo? Na kukunin ko siya just to satisfy my needs?
RANDEL: Ano pa nga ba? Ikaw na certified playboy?
BRENT: Pare, ang sakit mo namang magsalita.
RANDEL: Coz it's true!
BRENT: Seryoso ako.
RANDEL: (lalapitan ang kaibigan) Teka...don't tell me, tinamaan ka sa babaeng yon? Kasi hindi talaga ako maniniwala.
BRENT: Ewan ko pare. Pero maniwala ka man o hindi, kanina nung magdaop yong mga palad namin, iba yong naramdaman ko. Call me baduy pero parang kinilig ako.
Hindi agad makakakibo si Randel sa sinabi ng kaibigan. Parang may isang parte sa isip niya na gustong tumutol kay Brent. Parang may kung anong nagtutulak sa kanya na sabihin sa kaibigan na wag na lang nitong pakialaman si Luana.
BRENT: Hey, bro, (snaps his fingers) di ka na nakaimik diyan.
RANDEL: Brent, kung ano man yang binabalak mo, wag mo ng ituloy. Maawa ka naman dun sa tao. At kargo ko pa siya pag nasaktan mo siya. Tsaka isa pa, hindi mo ko mapapaniwala na tinamaan ka na nga sa kanya coz I know she's not your type.
BRENT: Well, I know that you've known me as a guy who falls for someone quite opposite her. But this time I'm telling you, I find her different from everyone else I've met. I don't know pero parang siya yong tipong aalagaan mo talaga. She seems so vulnerable.