Pagdating sa hotel...RANDEL: Manang Fe, kayo na po muna ang bahala dito kay Luana. At kung may kailangan po kayo, sabihin niyo lang po sa akin o kaya kay Norman.
Papasok na rin ito sa kwarto nila Luana.
LUANA: (mapapatingin ng masama sa binata) Ano? Anong bahala? Ano ako, bata?
FE: (mangingiti) Sige po, ser. Salamat po. At wag po kayong mag-alala, ako na po'ng bahala sa batang to.
LUANA: Manang naman...
FE: Biro lang.
LUANA: (to Randel) Hoy, ikaw, ano pang ginagawa mo diyan? Alis na! (sabay talikod)
RANDEL: (mangingiti) Opo. Saglit lang po. (to Fe) Manang, iiwan ko muna kayo dito. Pahinga po muna kayo. Susunduin ko na lang kayo mamaya pag maghahapunan na.
Tila wala namang pakialam si Luana sa sinasabi ng batang Sullivan. Lalabas ito sa may balcony.
FE: Sige po, ser.
RANDEL: Maraming salamat po ulit. (pupuntahan nito si Luana)
Dahil nakatalikod, hindi naman mamamalayan ng dalaga ang paglapit sa kanya ni Randel at ang biglang pagyakap nito sa kanya mula sa likuran.
RANDEL: Do you like the place?
LUANA: (magpupumiglas at pilit na tatanggalin ang mga braso ni Randel) Sullivan! Ano ba?!
RANDEL: Pahinga ka na muna. (kisses her on the right side of her head near her temple) See you later. I love you. (tsaka ito aalis)
LUANA: (inis) Haist! (sabay punas sa ulo)
Mangingiti lang si Fe dahil sa dalawa.
LUANA: (quickly locks the door after he's gone out) Argh! Baliw! Unggoy! (tutunguhin ang kama at inis na ibabagsak ang sarili dito)
FE: Luana, hija, ayos ka lang ba?
LUANA: Hanggang nandiyan po yang unggoy na yan, hindi po ako magiging okay.
FE: Pagpasensyahan mo na si Ser. Naglalambing lang yon.
LUANA: Hindi po siya nakakatuwa, nakakabanas na po siya.
FE: Ganun lang talaga yon, palabiro. Pero mabait yon. Sobrang bait.
LUANA: Ang totoo po niyan, ayoko pong sumama dito. Siya lang po tong may gusto at mapilit.
FE: Kasi ayaw niyang mapalayo sayo. Gusto niya lagi ka niyang kasama.
LUANA: Yon na nga po ang nakakainis e. Parang nananadya lagi.
FE: (uupo sa tabi ni Luana) Hanggang ngayon pa rin ba, hindi mo pa rin siya napapatawad?
LUANA: Hangga't di niya ko binabalik sa amin, malabong mapatawad ko po siya.
FE: Kung sakali ba na ibalik ka niya sa inyo, papatawarin mo na ba siya?
LAUNA: Hindi ko po alam.
FE: Malamang, yan din ang dahilan niya ngayon kung ba't ayaw ka muna niyang ibalik sa inyo. Walang kasiguraduhan na papatawarin mo siya kung sakali.
LUANA: Napakamakasarili po niya, sarili lang niya lagi ang iniisip niya.
FE: Siguro nga. Pero hindi ko rin siya masisisi.