24 - New Friends

3.8K 26 18
                                    

                   
VANGIE:        Sa tingin mo, totoo kaya yong sinabi ni Sir tungkol sa kanya?

NEMO:           Ewan ko, di ako sure. Mukha naman siyang mabait. Ang amo nga ng mukha o. At in fairness, super kinis niya a. At gusto ko yang pagkamorena niya. Tsaka parang wala naman sa hitsura niya na magagawa niya yong ganun e. Pero sabi nga nila, wag mong husgaan ang tao sa panlabas na anyo. Maaring totoo, maaari ding hindi.

VANGIE:        Ay, ewan ko din. Pero, feeling ko, mabait talaga siya, na hindi siya masamang gaya ng pagkasabi ni Sir. Pero, sa akin lang naman yon. Basta, merong kung ano na...na nagsasabi sa akin na mabait siya at alam ko na magkakasundo kami.

NEMO:           Wow ha! Ano yon, parang bluetooth lang, compatible kayo?

VANGIE:        Bakit, ikaw, ano nafi-feel mo sa kanya?

NEMO:           Mmmm...parang...parang okay siya. Feeling ko, good vibes din ang hatid niya. Hindi dahil maganda siya, pero gaya mo, may something din na nagsasabi sa akin na okay naman siya. And if ever, siya na siguro ang magiging kauna-unahang kaibigan ko na maganda.

Titingnan masama ni Vangie ng kaibigan.

NEMO:           Hoy, ba't ganyan ka makatingin?

VANGIE:        Para mo na ring kasing sinabi na pangit ako.

NEMO:           Aysus...nagtampo agad. Sabi ko kaibigan. In English, friend lang. Ikaw, best friend.

VANGIE:        (mapapangiti) Talaga?

NEMO:           Oo naman. Alam mong wala pa ring papalit sa pwesto mo kasi kahit 'sinungaling' ako minsan, tanggap mo pa rin ako.

VANGIE:        (agad na nawawala ang ngiti) Ewan ko sayo. Ikaw, nakakaasar ka na ha, lagi mo na lang akong nilalait. Kung di lang kita kaibigan, matagal ka ng nakatikim sa akin.

NEMO:           Ito naman, joke lang yon. Ano ka ba? Maganda ka. Yan ang lagi mong iisipin.

VANGIE:        Tse! Lokohin mong lelang mo.

NEMO:           Tingnan mo to—

Mapapatigil sa pagsasalita si Nemo dahil sa biglang paggalaw at marahang pag-ungol ni Luana na tila ba nasa gitna ito ng isang masamang panaginip.

RANDEL:      Kayong lahat, makinig kayo sa sasabihin ko. Nakikita niyo ba tong babaeng to? Siya po ang dahilan kung bakit namatay ang Sir Lander niyo! Siya ang dahilan kung bakit wala na ang kapatid ko. Siya ang dahilan kung bakit siya nagpakamatay. Isa siyang maruming babae. Akala mo, mukha siyang mabait na tupa. Pero ang totoo nyan, isa siyang lobo. Isa siyang mandaragit. Isa siyang mapanlinlang na nilalang. Inakit niya ang kapatid ko, pianaasa, dahil si Lander lamang ang may kakayahan at tanging paraan para misalba siya sa putik na kinalalagyan niya.

LUANA:         Hindi totoo yan! Bawiin mong sinabi mo! Hindi totoo yan!

RANDEL:      Alam mong may sakit ang kapatid ko. At alam mo rin na hindi na siya magtatagal pa.

LUANA:         Hindi...hindi...wala akong alam tungkol sa sakit niya, maniwala ka...

RANDEL:      Natural, sasabihin mo ngayon na wala kang alam, na hindi mo alam. Sa tingin mo ba mapapaniwala mo kaming lahat? You're such an expert slut! Pinatay mo ang kapatid ko! Isa kang mamamatay tao! Isa kang kriminal!

LUANA:         Bawiin mo yang sinabi mo! Hindi totoo yan! Mahal ko si Lander, mahal na mahal namin ang isa't isa.

RANDEL:      Bullshit! Anong alam mo sa pagmamahal? You took advantage of him, kayo ng pamilya mo!

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon