77 - Her Plan

484 19 19
                                        


Isang linggo pang pagpapahingain ni Randel si Luana bago niya ulit ito isasama sa farm. Laking pagtataka ni Luana dahil sa biglang pag-iwas sa kanya ni Fernand pag nagkikita sila.

One Friday...

LUANA: Fernand! (lalapit sa binata)

FERNAND: Lu...Luana. (lilingon-lingon ito sa paligid)

LUANA: Kumusta na?

FERNAND: O...okay naman. I...ikaw?

LUANA: Ito, sa awa ng Diyos, okay na rin. Magaling na magaling na.

FERNAND: Mabuti naman kung ganun. Masaya ako na magaling ka na talaga. (makikita nito si Randel sa may bandang likuran ni Luana)

LUANA: Saan ka pupunta? Di ka ba magmemeryenda muna?

FERNAND: Um...oo kukuha ako maya-maya. Medyo busog pa kasi ako, Tsaka, may kakausapin kasi ako.

LUANA: Sino?

FERNAND: Um...si...si...si Kristel.

LUANA: (mapapangiti sabay lingon sa tinutukoy na dalaga) Kristel? Siya? Yong anak ni Aling Sol?

FERNAND: Siya nga.

LUANA: Oh...mukhang may naaamoy akong maganda a. Okay. Sige, go! Good luck.

FERNAND: Sige.

Samantala...

RANDEL: (smirks) Madali naman palang kausap tong mokong na to.

Few days later...

VANGIE: Luana, penge ngang papel. Kahit yong mga gamit na.

Kasalukuyang nasa banyo ang dalaga.

LUANA: Diyan sa drawer, kumuha ka na lang diyan.

VANGIE: Teyngkyu!

Bubuksan nito ang nasabing drawer at bubuklatin ang mga nakalagay doon.

VANGIE: Mukhang mahahalagang papeles naman ata tsaka resibo tong mga to.

LUANA: Meron diyan.

VANGIE: Pahingi na lang ng isang peyds nitong notebook mo.

Kukunin nito ang nasabing gamit at bubuklatin. Pagkabuklat, mahuhulog ang ilang nakasingit na nakatuping mga papel.

VANGIE: Ano to? Drawing? (bubuklatin ang mga nakatuping papel) Teka, mukhang mga mapa to a. A, siguro isa to sa mga pinag-aralan nila. At mukhang pamilyar tong mga lugar na to a. (iisa-isahin ang nasabing mga papel) Mukhang mapa to ng Cielo Puro. At ito naman, mapa ng San Victorio. Oo nga! Hindi ako pwedeng magkamali, mapa nga to ng Cielo Puro at San Victorio. At ano tong mga nakasulat? (susundan nito ang naka-trace na tila daan na nagsisimula mula sa nabilugang bahagi malapit sa mansion palabas ng nasabing lugar) Teka...(titingnan ulit ang iba pang naiguhit na mapa) mukhang ito yong kwadra ng mga kabayo. At may oras na nakalagay. Alas-siyete y media? Anong meron? (titingnan ang isa pang papel at makikita naman nito ang naka-trace na daan mula sa hacienda hanggang sa bus terminal ng San Victorio) Terminal ng bus? (titingnan ulit ang mga nasabing mapa, mapapansin nitong pare-pareho ang mga nabilugang parte) Simula mansion hanggang sa terminal ng bus? Hindi kaya...

Lalabas si Luana galing sa banyo.

LUANA: Ano, nakakuha ka?

VANGIE: (dahan-dahan itong tatayo hawak-hawak ang mga nasabing naiguhit na mapa) Luana, ano to?

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon