In the evening...NEMO: Hoy, Luana, dahan-dahan lang.
LUANA: Sorry. Ang sarap kasi ng ulam e.
Magkakatinginan ang lahat tsaka sabay-sabay na mangingiti.
CORA: Talaga, anak?
LUANA: Opo. Unang beses ko pa lang pong natikman yong luto ni Nanay Roseta sa Solano, nagustuhan ko na po agad siya.
CORA: Buti na lang nakahanap tong si Randel ng santol.
LUANA: (titingin sa binata) Aba, dapat lang po. Nagpresenta siya kaya dapat tuparin niya. (iirap then susubo)
MAMENG: Buti naman nagustuhan mo yong pagkaluto.
LUANA: Ang sarap po kaya, Manang. Ang galing niyo po talagang magluto. Siguradong mabubusog kami ng baby ko nito.
MAMENG: Ay, wag kang magpasalamat sa akin. Hindi naman ako ang nagluto niyan.
LUANA: (kahit puno ang bibig) Po?
MAMENG: Si Randel din ang nagrepresentang magluto ng hapunan natin.
Biglang masasamid ang dalaga sa narinig dahilan para maibuga nito ang laman ng bibig.
RANDEL: Luana! (agad itong tatayo at lalapitan ang dalaga)
VANGIE: Ay, ano ba yan, prenship? Ito tubig.
Nang mahimasmasan...
RANDEL: Are you okay? (hagod pa rin nito ang likod ng dalaga)
LUANA: (in a soft voice) Not unless you take your hand off me.
RANDEL: Okay. (babalik ito sa kinauupuan)
NEMO: O, ubusin mo na tong pagkain mo.
LUANA: Ayoko na.
NEMO: Ha? Bakit? Nabusog bigla? (tila nang-aasar ang pagkasabi nito)
LUANA: Nemo!
NEMO: Kanina lang gutom na gutom ka a. Tas ngayon ayaw mo na? Yang tataa.
LUANA: Nemo! (pasimpleng kukurutin ang kaibigan)
NEMO: Aray! Aray! Ito naman. Sige na, ubusin mo na yan. Konti na lang o. Sayang naman.
LUANA: Ikaw kasi e.
Days later...
LUANA: Randel.
Katatapos lang maghapunan ang lahat.
RANDEL: Yes?
LUANA: Um...gusto sana kitang makausap.
RANDEL: Sure! Sure! Kailan mo gusto? Ngayon na ba? Saan mo gustong mag-usap tayo?
LUANA: Hintayin mo ko sa may balcony.
RANDEL: Okay.
In less than an hour...
RANDEL: So...what is it that—
LUANA: I changed my mind.
RANDEL: What do you mean?
LUANA: Pumapayag na ko sa gusto mong mangyari.