LUANA: Ano? Ako, mangkukulam? (halos magdugtong ang mga kilay nito)
TOPE: O, easy ka lang. Ayan o, nagmumukha ka ng mangkukulam.
LUANA: (with a sullen face) Ha-ha...hindi ka nakakatawa.
TOPE: So, hindi nga?
LUANA: Anong hindi nga?
TOPE: Na hindi ka totoong mangkukulam?
LUANA: Itong hitsura kong to, mukhang mangkukulam? Duh!
TOPE: Sabi ko nga. Ang ganda mo namang mangkukulam pag nagkataon.
By then, mawawala ang inis ng dalaga at mapapangiti ito.
LUANA: Ei...totoo? Maganda ako?
TOPE: Biro lang. Naniwala ka naman agad.
LUANA: Haist! Alam mo, ang sama mo!
TOPE: Wala bang salamin sa inyo at hindi mo matiyak kung maganda ka o hindi?
LUANA: Aba! Atribido! E ikaw, gwapo ka ba?
TOPE: Naman! Gwapong-gwapo, cute pa! (sabay kindat at hagod ng dalawang kamay sa buhok)
LUANA: Ang yabang! (sabay gulo sa buhok ni Tope)
TOPE: Ugh! Ano ba? (aayusin ang buhok)
LUANA: Pero alam mo, ang totoo, cute ka naman talaga e. I'm sure maraming nagkaka-crush sayo sa school niyo.
TOPE: (mangingiti) Seryoso? Walang bawian?
LUANA: Mukha ba kong sinungaling?
TOPE: Hindi. Pero alam mo, pareho lang naman tayo e.
LUANA: Huh? Pareho saan?
TOPE: Alam mo bang marami ding nagkakagusto sayo dito?
LUANA: Ee...nahiya naman ako...pero totoo?
TOPE: Mukha din ba akong sinungaling?
LUANA: Medyo.
TOPE: Grabe ka naman.
LUANA: Medyo lang naman.
TOPE: Psh! Pero sa maniwala ka't sa hindi totoo yong sinabi ko. Di lang sila makalapit sayo kasi nga...
LUANA: Kasi ano?
TOPE: Kasi nga...
LUANA: Kasi dati akong girlfriend ni Lander, ganun?
TOPE: Hindi.
LUANA: E ano?
TOPE: Kasi nga, iniisip nila na mangkukulam ka.
LUANA: (yamot) Sinabi ng hindi ako mangkukulam e.
TOPE: (biglang magseseryoso) Sabi nila, ginayuma at kinulam mo daw si Sir Lander para mapalapit sayo, para makuha mo yong kayamanan niya. Tas ginamit mo lang daw siya at ang habol mo lang daw talaga ay yong pera nila. At ikaw din daw ang may kasalanan sa pagkamatay niya.
LUANA: (in a sad tone) Sinabi nila yon? (pinilit nitong wag mapaluha sa harap ng bata)
TOPE: Oo. Yon yong mga narinig namin ng mga kaibigan ko. Usap-usapan ka dito. At sabi pa nila, mabait ka lang daw tingnan pero ang totoo, masama kang tao, makasalanan, at nagbabait-baitan ka lang. Kung ano daw yong kinaganda ng mukha mo, siya naman daw kinasama ng ugali mo. Marumi ka daw na babae, hindi dapat igalang at pagkatiwalaan. At alam mo ba na binawalan kami, lahat ng mga bata dito, na lumapit sayo? Baka daw gawan mo kami ng masama. Tsaka hindi lang yon, baka malagot din daw kami kay Sir Del. Mahigpit niya kasing bilin daw yon na wag lumapit sayo dahil kung hindi malalagot daw kung sino mang gumawa nun. Kaya sana, wag mo na lang mabanggit kay Sir o kahit na kanino na nagkakakilala tayo ha pati na lahat ng sinabi ko sayo kasi siguradong malalagot ako sa mga magulang ko lalo na kay nanay. Tsaka ayokong tanggalin sila ni Sir Del sa trabaho dahil sa akin. Ito na lang kasing hacienda ang bumubuhay sa amin.
