51 - The Paladin

1.7K 38 28
                                        

                   
VANGIE:        Hoy, ano na naman ba yan? Ikaw ha.

NEMO:           Hindi. Ano kasi, nagtataka lang kasi ako kung anong ginagawa ni Sir dun sa kwarto niyo.

VANGIE:        (mapapaisip) Oo nga no.

NEMO:           Bakit siya pupunta dun at bakit kailangan pang itaon na wala tayo o kaya ikaw?

VANGIE:        Oo nga no.

NEMO:           Kung may sasabihin man siya, pwede naman na niya itong sabihin pag nasa farm sila o di kaya ipatawag na lang niya ito.

VANGIE:        Oo nga no.

NEMO:           Heh! Wala ka na bang ibang alam na sasabihin maliban sa 'oo nga no'?

VANGIE:        Ano ka ba? Ibig sabihin, pareho lang tayo ng iniisip.

NEMO:           Naiisip mo nga ba talaga ang naiisip ko?

VANGIE:        Ang alin?

NEMO:           Kita mo na.

VANGIE:        Ano ba kasi yon?

NEMO:           Wala. Wag na, wag mo ng alamin. Ang hina mong pumick-up. Bahala kang mag-isip diyan.

VANGIE:        Ito naman. Ikaw nakakaasar ka. Magsasabi-sabi ka tas di mo rin pala itutuloy.

NEMO:           Saka na lang. Basta, kukuha muna ako ng ilan pang matitibay na ebidensya para mapatunayan ko tong mga hinala ko.

VANGIE:        Hinala?

NEMO:           Shhh...yang boses mo. Baka may makarinig sayo.

Ang hindi alam ng dalawa, kanina pa nakikinig sa kanilang usapan si Laiza na nakakubli lang sa isang lugar malapit sa kanila.

LAIZA:            Hmm...hinala pala ha. Mukhang tayong dalawa Nemo ang pareho ng iniisip at hinala. Kailangan malaman ito ni Ma'am Brenda. (aalis para tawagan ang nasabing dalaga)

Sunday...

LUANA:         Anong gagawin natin ngayon?

NEMO:           Magpahinga ka na lang. Kaya naman na namin yong mga trabaho dito.

VANGIE:        Oo nga. O kung gusto mo, doon ka na lang sa garden.

LUANA:         (kunwari nagtatampo) Teka, e sa kayo ang gusto kong makasama e. Ayaw niyo ba? Ngayon ko nga lang ulit kayo makakasama ng matagal-tagal e. Hindi niyo ba ko na-miss? Kasi ako, super na-miss ko kayo.

VANGIE:        Aysus! Nagtampo ang bata. Hindi naman sa ganun. Hindi rin kasi biro yong trabaho mo sa farm. Ikaw lang ang inaalala namin.

LUANA:         Mas gusto ko na may ginagawa kasi ako. Boring kasi pag ako lang mag-isa. Gusto ko kasama ko kayo para lagi akong masaya at nakatawa.

NEMO:           A ganun? So ang tingin mo sa amin, mga payaso?

LUANA:         Ito naman. Siyempre hindi. Alam niyo naman na (pakanta) you brighten my days giving me inspiration.

NEMO:           (mangingiti) Ewan ko sayo. Bahala ka na nga.

LUANA:         So, saan tayo?

VANGIE:        Ako sa pool.

NEMO:           Ako sa may garahe. O, pili na!

LUANA:         Okay. Ganito na lang. Bato-bato-pick na lang kayo. Kung sino panalo, doon ako.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon