LUANA: (parang diring-diring itutulak ang binata at lalayo siya dito) Ugh!RANDEL: Ayan kasi, hindi ka nag-iing—tatanga-tanga ka kasi! Pasalamat ka nandito ako, kundi subsob ka talaga.
LUANA: Bakit, sinabi ko bang saluhin mo ko? Ba't ka ba kasi nandito? Haist! Malas ka talaga sa buhay ko! (magpapatuloy ulit sa paglalakad)
RANDEL: Sandali.
LUANA: (impatient and irritated) Ano na naman?! Pwede ba, tantanan mo ko? Naghihintay na po yong trabaho ko. Gusto ko siyang matapos ng maaga at maayos para naman wala kang mapintasan at para hindi masayang yong pinapakain mo sa akin.
RANDEL: Ba't ba ang sungit mo?
LUANA: My God! Nagtanong pa talaga. Wag ka kasing epal. Panira ka ng araw e.
RANDEL: Well, that's good to hear. (sabay ngiti)
LUANA: Ugh! Kabwisit talaga.
RANDEL: Sasamahan na kita.
LUANA: (magmamaktol) Ano na naman ba to? Gusto mo talagang nakikita akong nahihirapan no? You wanna make your presence an addition to your insult.
RANDEL: Bakit, alam mo na ba kung anu-anong mga dapat mong gawin para malinis mo ng mabuti yong buong kwadra? E sa mansion nga, di mo magawa ng maayos trabaho mo dun, dito pa kaya?
LUANA: Yon naman pala e. E di sana sa iba mo na lang pinagawa. (murmurs) Stupid talaga.
RANDEL: Pwede din naman, (with derision) but I think it'll be more fun if ikaw ang gagawa.
LUANA: (rolls her eyes) Yeah, right. (murmurs again) Unggoy ka talaga.
RANDEL: (magseseryoso) Gusto ko, pag may pinapagawa ako, pulido ang kalalabasan, malinis. At gusto kong makatiyak, na hindi ka aarte-arte sa pinapagawa ko sayo.
LUANA: (mimics him quietly as she makes face) Nyenye...nyenye...nyenye...blah...blah...blah...blah...blah...blah...(at mas lalo pa nitong bibilisan ang paglalakad)
Pagdating sa may kwadra, agad magtatakip ng ilong si Luana dahil sa mabahong amoy. Mangingiti lang naman si Randel sa kanya, tila nang-aasar.
RANDEL: So, ito ang mga gagawin mo. First...(gives a series of instructions)
Patingin-tingin lang si Luana sa paligid, tila di nakikinig.
RANDEL: Nakikinig ka ba?
LUANA: (crosses her arms) Ba't di na lang ikaw muna gumawa ngayon para makita ko kung paano gawin, tas bukas na lang ako mag-start? Siguro by then, kaya ko na mag-isa kasi nakita ko na.
RANDEL: Huh! Patawa ka. Here, take these. (sabay abot ng isang mahabang tingting at water hose)
Padabog na aabutin naman ni Luana ang mga nasabing gamit.
RANDEL: (pang-asar ang mga ngiti) Have fun!
LUANA: Tss! (turns back then murmurs) Have fun-in ko yang mukha mo e.
Dahil sa hirap si Luana sa pinapagawa sa kanya, matagal bago ito matatapos—aabutin siya hanggang pagkatapos ng tanghalian. Hindi naman siya iiwan ni Randel hangga't hindi ito natatapos.
RANDEL: (nakakaloko ang mga ngiti) Ano? Nag-enjoy ka ba?
Katatapos lang iligpit ni Luana ang mga ginamit na panglinis.
LUANA: (hangos, pawisan at pagod na pagod) Get lost! (walang paalam na lilisanin ang lugar)
Maiiwan si Randel na hatid ng tingin ang papalayong dalaga. Mawawala ang mga ngiti nito at tila mapapalitan ng awa ang expression sa kanyang mukha.
