CORA: (kay Luana) A...e...sige, anak, maiwan ko na kayo. Inaantok na rin kasi ako e.Katatapos lang mag-usap ng dalawa tungkol sa lagay ni Nemo.
LUANA: Sige po. Bukas na lang po ulit. Mga anong oras po pala ang punta niyo sa hospital? Sasabay na lang po ako sa inyo.
CORA: Mga bandang alas-otso, ganun.
LUANA: A...okay po. Good night po, Mamang. (sabay halik sa pisngi ni Cora)
CORA: Good night.
RANDEL: Good night, Mamang. (hahalik din sa pisngi ni Cora)
CORA: Good night. And be good, too. (titingnan ng makahulugan ang binata)
RANDEL: Mamang naman. Lagi naman po akong good.
CORA: Psh! Tigilan mo nga ako. (murmurs) Good good ka diyan. Kaya nga lumulobo tiyan ng batang yan dahil sa kalokohan mo.
RANDEL: (nakakaloko ang ngiti) Okay, okay. Sige na po. Pahinga na po kayo. Remember, bawal po sa inyo ang mapuyat. (pasimple nitong aakayin palabas si Cora)
CORA: Mmm...ang sabihin mo—
RANDEL: Good night, Mamang! Sweet dreams!
CORAL: Ewan ko sayo.
Pagkaalis ni Cora, agad na papasok ulit si Randel at isasara ang pinto. Mananatili namang masama ang tingin ni Luana sa binata.
RANDEL: What?
LUANA: (squints) Ikaw, binabalaan kita ha. Umayos ka.
RANDEL: (mangingiti) Opo. Good night, mahal—
LUANA: Stop saying that, will you? (mahihiga) Haist! Panira ng araw, panira ng gabi.
RANDEL: (bahagyang matatawa) I love you.
LUANA: Shut up!
RANDEL: I love you and our baby.
LUANA: Sinabi ng—
RANDEL: Okay, okay. Good night na talaga.
Around 11 o'clock, magigising si Luana dahil sa pagkalam ng sikmura nito. Dahan-dahan itong babangon at aabutin ang crackers na nasa may side table.
RANDEL: Gutom ka?
LUANA: Hindi pa ba obvious?
Makakatatlong piraso ang dalaga.
LUANA: (sa isip nito) I'm still hungry pero ayoko na ng crackers.
Bababa ito ng kama. Balak nitong bumaba ng kusina para kumuha ng makakain.
RANDEL: (babangon at mauupo) Saan ka pupunta?
Hindi sasagot ang tinanong. Basta na lang nitong bubuksan ang pinto at lalabas. Agad naman siyang susundan ng binata.
RANDEL: Are you still hungry?
LUANA: Oo. Kaya, pwede, tumabi-tabi ka baka magdilim ang paningin ko.
RANDEL: Hay...gabing-gabi na ang sungit pa din.
Iirapan lang siya ng dalaga.
RANDEL: What do you wanna eat?
LUANA: Bakit, ipaghahanda mo ba ko?
RANDEL: My plea-sure!
LUANA: Fine. I want some sotanghon soup na may tuna instead of chicken. Kaya mong lutuin?