That next day...
RANDEL: Okay na ba yang binti mo? Masakit pa rin ba? Hindi ba siya sumakit kagabi?
LUANA: Ba't ba ang dami mong tanong? Wag ka ngang OA. Cramps lang yon.
RANDEL: Gusto ko lang namang malaman.
LUANA: Bakit pa? Tsaka obvious naman na okay na ko di ba? Haist!
RANDEL: Okay, sinabi mo e. Anyways, if ever na may iba ka pang gustong gawin dito sa hacienda maliban sa trabaho mo, sabihan mo ko. Hindi yong basta-basta ka na lang gumagawa ng isang bagay na hindi ko alam.
Biglang mapapalunok si Luana, agad nitong maiisip si Tope.
Tuesday...
LUANA: (agad lalapitan ang naghihintay na Tope, tila nag-aalala) Tope, wala ba siyang ginawa sayo? Hindi ba niya tinanggal sa trabaho yong nanay at tatay mo?
TOPE: Ha? Okay ka lang ba? Ano bang sinasabi mo?
LUANA: Tope, alam na niya yong tungkol dito.
TOPE: Alam ang alin? Nino?
LUANA: Ano kasi...a....hindi ko alam kong paano nangyari yon.
TOPE: Anong nangyari? Ano nga yon?
LUANA: Hindi ko alam kong paano niya nalaman yong tungkol sa pagtuturo ko sayo.
TOPE: Nalaman nino?
LUANA: Tope, nangako ako sayo na di ko sasabihin yong tungkol dito sa tutorial na to. Maniwala ka sa akin, hindi ko talaga alam kung paano niya nalaman yong tungkol dito.
TOPE: Pwede ba Ate Luana, relax ka lang. Di kita ma-gets e.
LUANA: Alam na niya yong tungkol dito. Alam na niya na nakikipagkita at nakikipag-usap ka sa akin.
TOPE: Sino? Si Sir Del?
LUANA: Sino pa nga ba?
TOPE: E anong problema mo?
LUANA: Anong problema? E di ba nga sabi mo, malalagot ka pati na ang pamilya mo pag nalaman niya yong tungkol dito?
Mangingiti lang si Tope.
LUANA: (confused) Ano yan? Anong ibig sabihin ng ngiting yan?
TOPE: Wag mo ng problemahin yon.
LUANA: Ha? Di ba sabi mo—
TOPE: Dati yon. Ngayon, hindi na.
LUANA: Ano? Paanong—
TOPE: Ang totoo niyan, kinausap ako ni Sir Del.
LUANA: Kinausap ka?
TOPE: Oo.
LUANA: A...anong sabi?
TOPE: Wag daw akong makulit tas wag daw kitang bigyan ng sakit ng ulo at gagalitin kasi malalagot daw ako sa kanya.
LUANA: (doubtful) Sinabi niya yon? Di nga?
TOPE: Ayan ka na naman e. Mukha ba kong nagsisinungaling?
Hindi sasagot si Luana.
TOPE: Okay, kung ayaw mong maniwala, e di wag.
LUANA: Hindi naman sa ganun. Sigurado ka ba diyan sa sinabi mo?