13 - Spitting Image

4.3K 38 19
                                    


LANDER: Hindi mo ko tinawagan para ipaalam ang nangyari sayo tas binawalan mo pa sila Nanay, Minnie at Gelai na contact-in ako.

LUANA: E ikaw lang naman kasi ang inaalala ko.

LANDER: Luana, boyfriend mo ko kaya I have the right na malaman ko and you're obliged para ipaalam sa akin ang nangyayari sayo lalo na pag ganito. Hindi biro tong nangyari sayo a.

Sasagot pa sana si Luana pero biglang sisingit si Badong sa usapan ng dalawa.

BADONG: Teka, teka...cut muna, cut muna. Nag-aaway ba kayo?

HELEN: Hoy, Badong, wag ka ngang makialam sa usapan nila. Um...Lander, pagpasensyahan mo na lang tong batang to ha. (tila nahihiya ito para sa bunso) Medyo may pagka-ususero talaga to.

BADONG: Nagtatanong lang naman po ako.

HELEN: Hay naku kang bata ka talaga. Tara na nga, umuwi na tayo.

BADONG: Mamaya pa pong konti.

LANDER: Hindi kami nag-aaway ng ate mo. Pinagsasabihan ko lang siya kasi may mali siya.

BADONG: Aaaa...ganun ba? Sabagay, mali nga siya. Gets ko na. Pagpasensyahan mo na lang tong ate ko, minsan talaga matigas ulo niya.

Magkakatinginan lang sina Lander at Helen, pigil ang tawa dahil sa kakulitan ng bata.

LUANA: Haist! At nagsalita ang pilyong kerubin.

BADONG: Bakit, totoo naman a. Di ba, Nay?

HELEN: Ay, ewan ko sa inyong dalawa. Tara na nga kasi para di na tayo gabihin masyado.

BADONG: Okay po. Kuya Lander, sigurado ka ba talagang kaya mong alagaan ate ko?

LANDER: Oo naman.

BADONG: As in?

HELEN: Anak, alam mo, umandar na naman yang kakulitan mo. Sige na, tara na. Anong oras na o.

BADONG: Nay, naisip ko lang po kasi na kailangan niyang gumising para painumin si ate ng gamot. E di mapupuyat siya. Tapos, sinong kasama ni ate pag naiihi siya? Alangan namang siya di ba? (sabay turo kay Lander)

LUANA: Haist! Ang kulit talaga! Badong, baka nakakalimutan mong hospital to. Anytime, pwede akong tumawag ng nurse para alalayan ako.

BADONG: Ay ganun ba yon? (napapangiting napapakamot)

LUANA: Opo, kaya sige na para di na kayo masyadong gabihin. Nay, sige na po.

HELEN: Sige. Lander, mauna na kami ha. Pasensya na sa kadaldalan ng batang to. Tsaka, Salamat. Salamat ng marami.

LANDER: Wala pong anuman yon. Sige po, hatid ko na po kayo sa baba.

HELEN: Ay, hindi na. May mga kakilala akong magta-traysikel diyan.

LANDER: Sigurado po kayo?

HELEN: Oo naman, wag mo kaming alalahanin.

BADONG: Teka lang po, nay.

HELEN: Ano na naman?

BADONG: Hahayaan niyo po si Kuya Lander na kasama ni Ate dito? Tas dito rin siya matutulog? Silang dalawa lang?

Hindi makakasagot si Helen. Mapapatingin lang ito sa dalawa.

LUANA: Hay naku Badong, ang kulit talaga.

LANDER: Badong, wala ka bang tiwala sa akin?

BADONG: Hindi naman sa ganun...kaso...

LANDER: Promise, aalagaan ko ang ate mo. At wag kang mag-alala, good boy ako kagaya mo. (sabay gulo sa buhok ng bata)

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon