Samantala...NEMO: Naks! Asensado ang babaita! Di na kita ma-reach girl!
VANGIE: Baliw! Nahihiya kaya ako.
LUANA: Ba't ka nahihiya?
VANGIE: Siyempre, sino ba naman ako para matulog dun? E isang hamak na katulong lang naman ako.
LUANA: Ay, ang OA mo. Magtigil. Ayaw ng baby ko niyan.
VANGIE: Pero seryoso, prenship, nahihiya talaga ako...lalo na kay sir Del.
LUANA: Wag ka nga sabing mahiya. E para naman sa anak niya kung ba't ka mag-stay dun e.
NEMO: Korek!
VANGIE: Sige na nga. Bahala na.
NEMO: Pero, ganda, may gusto sana akong itanong sayo.
LUANA: Ano yon?
NEMO: Ay wag na lang. Baka magalit ka e.
LUANA: Alam mo ikaw—magagalit talaga ako pag di mo sinabi sa akin. Magsasabi-sabi tas di naman itutuloy.
VANGIE: Oo nga.
NEMO: Okay. Pero magpromise ka muna na di ka magagalit at sasagutin mo with all honesty yong tanong ko.
LUANA: Ay, daming arte.
NEMO: Sige na.
LUANA: Okay, I promise.
NEMO: Okay. Kung...kung...um...
VANGIE: Nemo, babatukan kita pag di mo tinuloy yan.
NEMO: Okay, ito na talaga. Um...if ever na...if ever na alukin ka ng kasal ni Sir...magpropose ba, tatanggapin mo ba?
Hindi makakasagot ang dalaga.
NEMO: Okay. Kalimutan mo na lang yong sinabi ko.
LUANA: Mapapapayag niya lang akong magpakasal sa kanya sa isang kondisyon.
NEMO & VANGIE: Ano?
LUANA: Pakawalan niya ko. Palayain niya ko.
VANGIE: Eh? Ano kaya yon? Kaya ka nga niya pakakasalan e. Tas yan ang kapaliy? Sa tingin mo gagawin niya yon...lalo na't magkaka-baby na kayo? E nung wala pa ngang nangyayari sa inyo, ayaw ka na niyang pakawalan e di lalo na siguro ngayon.
LUANA: Kung talagang mahal niya ko—
NEMO: Pakakawalan ka niya, ganun?
LUANA: Oo.
NEMO: Pwede naman. Literal na pakakawalan ka niya dito sa Cielo Puro...dito sa San Victorio. Ibig sabihin, pwede ka ng makapunta sa ibang lugar...pero kasama pa rin siya.
LUANA: Ha?
NEMO: Ang ibig kong sabihin, hindi ka hahayaan nung tao na mawala ka sa buhay niya...kayo ng baby niyo. Kayo na ngayon ng anak mo ang buhay nun, ang sarili niyang pamilya.
LUANA: A, ganun? Ang lagay ba e, siya lang ang masaya?
NEMO: Bakit ikaw, di ka ba pwedeng sumaya pag andiyan siya?
Hindi makakaimik ang dalaga.
VANGIE: Oo nga. Ibig sabihin lang nun talo ng galit mo kay Sir Del ang kasiyahang idudulot ng anak mo.