70 - Fantasy

453 15 28
                                    

LAIZA: E di lumabas din ang totoo mong kulay...na bait-baitan ka lang. Doble-kara. Santa-santita.

LUANA: Ikaw lang ang nagsasabi niyan. At kung ganyan nga ako, anong pinagkaiba mo sa akin? Mas masahol ka pa nga kung tutuusin dahil ako, umaalma nang may dahilan hindi kagaya mo na walang basehan kung saan mo hinuhugot lahat ng inis at galit mo sa akin dahil ever since wala akong ginawa or sinabing masama tungkol sayo.

LAIZA: Gusto mong malaman ang dahilan? A-yo-ko sayo. Bakit ayaw ko sayo? Dahil ayoko. Tapos. At kailanman hinding-hindi kita magugustuhan.

LUANA: Fine. Walang pumipilit sayo. It won't make me less of a person dahil lang sa ayaw mo sa akin. Gets mo? Good night, Laiza. (tatalikod)

Pero agad din itong lilingon.

LUANA: Oops! And one more thing. Pasalamat ka din at walang nangyari sa mga matang to, dahil kung hindi, (draws nearer to Laiza) I'll make sure na ikaw mismo ang hihingi ng tawad kay Lander...sa kanya ka magso-sorry. (titingin sa langit) Right, mahal ko? (tingin ulit kay Laiza) Sweet dreams. (tatalikod)

LAIZA: Ugh! (murmurs) Tang-ina mong babae ka. Sana nabulag ka na lang ulit.

LUANA: (patuloy pa rin sa paglalakad) Sana di ka niya dalawin mamaya.

LAIZA: Haist! (biglang kikilabutan at yayakapin ang sarili) Bwisit ka talaga. (agad na lilisanin ang lugar)

Dahil sa nangyaring tension sa pagitan nila ni Laiza, imbes na pumasok ito sa kwarto, sa may pool ito didiretso. Sakto namang lalabas si Randel sa may malaking balcony ng mansion para magpahangin.

RANDEL: Ba't siya nandiyan? (mapapailing) Hay...antigas talaga ng ulo. Sinabi ng magpahinga na e.

Bababa ito para puntahan si Luana. Nakatayo ang dalaga sa may gilid ng pool, nakatingin sa malayo. He comes near her and hugs her from behind, then plants small kisses on her almost-bare shoulder up to the hollow of her neck.

LUANA: Ano na naman? (pilit nitong tatanggalin ang mga kamay ng binata sa pagkakayakap sa kanya pero mas lalo lang itong hihigpit)

RANDEL: (rests his chin on her shoulder) Ba't nandito ka pa? Di ba dapat nagpapahinga ka na ngayon?

LUANA: Maaga pa kasi.

RANDEL: Mahapdi pa rin ba yang mga mata mo?

LUANA: Hindi na pero medyo namumula pa rin siya.

RANDEL: (ihaharap ang dalaga sa kanya) Patingin nga. (reaches for her face, cups it and stare closely at her) Oo nga.

LUANA: Mawawala rin yan eventually. Tomorrow wala na yan, you'll see. (sabay ngiti)

RANDEL: But you know what? May alam ako para mas mapabilis ang paggaling ng mga mata mo.

LUANA: (paniningkitan si Randel) Hmmm....ano na naman yan?

RANDEL: Believe me, effective to.

LUANA: Ikaw, kung anu-ano na namang kalokohan yang naiisip mo ha. (sabay kurot sa may tiyan ni Randel)

RANDEL: Aray! Promise, hindi to kalokohan.

LUANA: Just make sure hindi nga dahil lagot ka talaga sa akin.

RANDEL: Opo. So ano? Ready?

Mapapangiti lang si Luana.

RANDEL: Okay. Now, close your eyes.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon