LUANA: Update? Anong update?NEMO: Sa inyong dalawa ni Sir, ano pa nga ba?
LUANA: Tse! Tigilan niyo nga ako. Sira na nga araw ko, lalo niyo pang sinisira.
VANGIE: Ito naman. Kuryos lang naman kami.
LUANA: Curious daw. Chusera to. Wala. Walang update. Asa pa kayo. At kung meron man, lahat negative.
NEMO: Like...?
LUANA: Hay, Diyos ko po, ang kukulit.
VANGIE: Sabi ni Mamang, sa isang bahay daw kayo nagpalipas ng gabi ni Sir. Totoo ba?
LUANA: Ano? Sinabi ni Mamang sa inyo?
NEMO: Actually, magkakasama kaming tatlo nung tumawag si Sir kagabi.
LUANA: Haist!
VANGIE: So, totoo nga?
Hindi makakasagot si Luana.
NEMO: Silence means yes. Confirmed!
VANGIE: Wait lang. Sa iisang bahay kayo natulog. Ang isa pang tanong, ilan ang kwarto ng bahay?
LUANA: Vangie! (ramdam nito ang pamumula ng mukha)
NEMO: Uy, blushing ang babaita. Hmm...parang I smell something finashingawang fla-fla again. Hoy, ganda, magkwento ka naman.
LUANA: Anong ikukwento ko? Tigilan niyo nga ako.
VANGIE: Siguro magkatabi kayong natulog kagabi no?
LUANA: Ano? Hindi no! Ano ba namang klaseng isipin yan. (sabay talikod at kagat sa pang-ibabang labi)
VANGIE: Pero sa iisang kwarto kayo natulog?
LUANA: Alam niyo, ang dami niyong tanong.
VANGIE: Hmm...mukhang tama yong hinala natin, Nemo.
LUANA: Anong hinala na naman yan?
NEMO: Secret. Ba't namin sasabihin? Ikaw nga ayaw mong mag-share ng information tungkol sa nangyari sa inyo kagabi. E di kami din.
LUANA: Nangyari? Anong namang mangyayari if ever aside sa awayan namin?
Magkakatinginan ang dalawa.
LUANA: Walang nangyari, okay? Nakitulog lang kami. Sa isang kwarto ako tas dun naman siya sa sala.
VANGIE: Ay, mali hinala natin.
LUANA: Ano ba kasing ini-expect niyo? Ini-expect niyo ba na magtatabi kaming dalawa? Duh!
NEMO: Sabagay. O sige na, pahinga ka na muna. Doon na muna kami sa baba. Tatawagin ka na lang namin pag ready na yong merienda, okay?
LUANA: Dito na muna kayo.
VANGIE: Girl, alam mo namang hindi pwede. Kailangan kami dun sa baba.
LUANA: Okay. Sige, kita-kits na lang maya-maya.
Pagkaalis ng dalawa...
LUANA: Haist! Nagawa ko pa tuloy magsinungaling. Walanghiya ka talagang Randel ka.
Habang nagmemerienda ang lahat...
CORA: A...Del, siya nga pala, muntik ko ng makalimutan, galing dito ang Tita Jam mo kahapon.
