RANDEL: Kung ayaw, wag na lang pilitin.
BRENT: Ano ka ba? Paano siya matututo sa ganyang klaseng approach? (kay Luana) Luana, listen. I know you're scared and I understand. Pero kailangang labanan mo yang takot mo, dahil kung hindi, walang mangyayari. Kaya mo yan, ikaw pa.
LUANA: Ye...yes, sir. Tama po kayo. I can do this.
BRENT: Here, hold my hands. Kumapit ka lang. Isipin mo na lang dagat to at nasa dalampasigan ka lang.
Tila nahihiya naman ang dalaga na aabutin ang mga kamay ni Brent.
BRENT: Wag ka ng mahiya. Sige na. (ito na mismo ang kukuha sa kamay ni Luana)
RANDEL: (pilit na itatago ang inis, in his mind) Haist! Ba't pa kasi ako pumunta dito? Pero kung wala ako dito, baka kung ano naman ang gawing kalokohan nitong mokong na to...lalo na kay Luana. Mag-take advantage na siya sa tatlo wag lang sa kanya. (mauupo sa isa sa mga beach chairs na naroon)
Dahan-dahang aalalayan ni Brent si Luana samantalang matatalim na tingin naman ang ipupukol ni Randel sa mga ito lalo na kay Brent. Hanggang sa makapagsimula na ang lima, di pa rin mawawala ang kunot sa noo ng batang haciendero lalo na sa mga pagkakataong kailangang hawakan ni Brent si Luana sa may paa at binti para alalayan ito. Kung pwede lang niyang sugurin ang kaibigan.
After almost an hour, darating si Brenda. Agad namang aalisin ni Randel ang tingin sa dalawa.
BRENDA: Hi! (sabay halik sa pisngi ni Randel)
RANDEL: Hi. I didn't know you're coming.
BRENDA: Sinadya ko talagang hindi ipaalam sayo, coz I wanna surprise you. Maski si Kuya nga di niya alam na paparito din ako.
RANDEL: (pilit na ngingiti) A...okay. (pasimpleng susulyap sa may gawi ni Luana)
BRENDA: Seems like they're having fun.
Manipis na ngiti lang ang sagot ni Randel.
BRENDA: Why didn't you join them?
RANDEL: I'm not in the mood for swimming today.
BRENDA: Not in the mood? Sure?
Tango lang ang sagot ng binata.
BRENDA: It's good pala that I came. At least may makakausap ka and boredom isn't an option at all.
Manipis lang na ngiti uli ang sagot ng binata.
BRENDA: (titingin kina Brent) Awww...look at them.
Susundan ng tingin ang tinutukoy ng dalaga.
BRENDA: Parang may chemistry sila no? Bagay.
RANDEL: Pardon?
BRENDA: Si Kuya tsaka si Luana. They look good together, don't you think so?
Hindi makakasagot ang tinanong. Mapapatingin uli ito sa gawi nila Luana.
BRENDA: I think she's not too dumb para di niya malaman or mapansin man lang that my brother likes her...a lot.
RANDEL: (mapapalingon ulit kay Brenda) What did you say?
BRENDA: I said, gusto siya ni Kuya. Di mo ba alam yon? Wala ba siyang sinasabi sayo or nababanggit man lang about it?
RANDEL: (poker face) Wala.
BRENDA: But why? Kaibigan ka niya and kasambahay mo naman si Luana. You should at least know, di ba?
RANDEL: Choice niya yon kung ayaw talaga niyang sabihin.