JAM: Eman, ang Kuya Del mo?EMAN: Andun po, kasama sila papa.
JAM: Pwedeng pakitawag mo siya? Wala kasing kasama—
LUANA: No, Tita. Wag na po. I'm okay...really.
JAM: Are you sure?
LUANA: Opo.
JAM: Pero mag-isa ka lang dito. Wait...Eman...
EMAN: Po?
JAM: Pwedeng dito ka muna? Samahan mo muna ang Ate Luana mo.
EMAN: Sige po.
Ilang saglit lang pagkaalis ni Jam...
EMAN: Ate Luana...
LUANA: Yes?
EMAN: Pwede bang maiwan muna kita saglit dito? Pupuntahan ko lang yong mga kaibigan ko.
LUANA: Sure.
EMAN: Thank you po.
Pagkaalis ni Eman, matutuon ang atensyon ni Luana sa baso ng alak na nasa harapan. Doon nito maalala ang mga sinabi ni Jam.
LUANA: (mapapabuntong-hininga) What should I do?
She takes the glass and brings it to her lips. Then, little by little, she takes a sip.
LUANA: No. Hindi ko kaya. Hindi ko kayang kalimutan na lang ng ganun-ganon si Lander. (consumes the remaining vintage) I love him. (mapapatitig ito sa hawak na baso) Siya ang mahal ko. (lilingunin ang bartender) Um...excuse me?
BARTENDER: Yes, ma'am?
LUANA: Can I have another glass please?
BARTENDER: Yes, ma'am.
At ang isa ay naging dalawa...tatlo...apat...lima...hanggang sa buong bote na ang in-order nito.
Ilang saglit pa...
RANDEL: Where is she?
EMAN: Sa may bar po.
Pagkakita ng dalawa sa dalaga...
EMAN: Uh-oh...
RANDEL: Oh my god! Luana! (agad nitong pipigilan sa pag-inom ang dalaga)
LUANA: Sandali! Ano ba? Sino ka—oh! (mangingiting aabutin ang mukha ni Randel) Sorry, mahal ko. Um...Mr. Bartender!
BARTENDER: Yes, ma'am?
LUANA: I want you to meet my boyfriend, Atty. Lander Sullivan.
EMAN: (mumbles) Lander? Kuya Lander?
RANDEL: Pasensya na, bro, ganito talaga to pag naparami ng inom.
BARTENDER: Okay lang po yon, Sir. Naiintindihan ko po. Ang totoo po niyan, kanina ko pa po sila sinabihan kaso ayaw papigil e.
RANDEL: Ganun ba? Sige, salamat. Luana...Luana...
LUANA: Yes, honey ko?
RANDEL: Let's go. Papanhik na tayo.
LUANA: E hindi ko pa nauubos tong laman ng bote.
RANDEL: Hindi na. Okay na. Tara na.
LUANA: Ubusin muna natin. Inom ka muna, kahit isang baso lang. (aabutin nito ang bote at sasalinan ang isa sa mga basong naroon) Here, tulungan mo kong ubusin to.