LUANA: Ikaw?!
RANDEL: Good morning, love. (hahalik sana ito sa asawa pero agad namang masusupalpal ng asawa)
LUANA: Good morningin mong mukha mo!
RANDEL: Grabe naman, ang aga-aga namang pagsusungit niyan.
LUANA: Tss! Anong ginagawa mo dito?
RANDEL: Ako ang magda-drive.
LUANA: What?!
VANGIE: (mapapahawak sa tiyan) Hala, ayan na naman. Sandali! (mabilis itong bababa ng kotse)
Bababa na rin sana si Luana pero biglang ilo-lock ni Randel ang mga pinto.
LUANA: What the—open the door!
RANDEL: No. We need to go now. Kung matatagalan pa tayo dito, mali-late tayo sa napag-usapan niyong oras sa Poblacion.
LUANA: Teka...how did you even know all of this?
RANDEL: Si Nanay.
LUANA: Ano?
RANDEL: Tinawagan niya ko kahapon and nakiusap siya na kung pwede ako na lang ang mag-drive for you instead of having someone else. Wala daw kasi siyang tiwala sa iba. And kung siya walang tiwala sa iba, e di lalo na ko especially that asawa ko ang pinag-uusapan. And sino ba naman ako para hindian ang pinakamamahal kong biyenan di ba?
LUANA: Haist! Buksan mo sabi to.
RANDEL: Sorry...hindi pwede. (starts the engine)
LUANA: Ano ba, bubuksan mo ba to o hindi?
RANDEL: Hindi. Let's go. (drives off)
LUANA: No! (hahawakan nito ang manibela)
RANDEL: Luana, ano ba?
LUANA: Hindi tayo aalis.
RANDEL: Bibitiw ka ba or—
LUANA: Ano? Anong gagawin mo?
RANDEL: (stops the car) Anong gagawin ko? Ito. (suddenly cups her face and kisses her lips)
Hindi naman agad makakakibo si Luana. Manlalaki lang ang mga mata nito sa pagkabigla. Even after the kiss ended, parang tulala pa rin ito.
RANDEL: (smirks as he gently wipes her lips with his thumb then whispers) Be quiet, okay?
By then, she comes to her senses again.
LUANA: (tatabigin ang kamay ng asawa) You—
RANDEL: (places his forefinger on her lips) Ah-ah! I said be quiet. (kukunin nito ang seatbelt sa gilid ng asawa)
LUANA: Haist! Ako na!
RANDEL: No, ako na. (pero sa mga labi ng asawa ito nakatitig)
Mag-iiwas na lamang ng tingin si Luana as she feels awkward with the way he stares at her.
RANDEL: Ready?
Masamang tingin at irap lang ang sagot ng asawa.
RANDEL: Okay, here we go!
LUANA: Teka...
RANDEL: Yes?
LUANA: Si Vangie.
RANDEL: Hindi siya sasama.