38 - Solicitous

3K 32 16
                                    

                   
NEMO:           Bakit nga?

LUANA:         Nagtanong pa kayo. Hindi niyo pa rin ba nage-gets? Magtatrabaho ako na kasama siya. Ibig sabihin nun, araw-araw na kaming magkikita. Ibig sabihin nun, araw-araw ding masisira ang araw ko. At malay ko ba kung may binabalak na naman yon na hindi maganda laban sa akin, especially na wala kayo sa tabi ko.

NEMO:           Uy, hindi naman ganun si Sir para gawan ka niya ng masama.

LUANA:         A ganun? E anong tawag mo sa ginawa niyang pagpapakidnap sa akin, aber?

Hindi makakasagot ang dalawa.

LUANA:         See? Di kayo nakaimik. Walang sino man sa atin dito ang nakakaalam sa kung anong tumatakbo sa isip ng isang tao, kaya dapat palagi kang alerto at di basta basta nagtitiwala, lalo na sa mga kagaya niya.

NEMO:           Ito naman, ang ibig ko lang namang sabihin, e hindi kayang gawin ni Sir na pagsaman—alam mo yon, yong...(mapapatingin sa kisame) paano ko ba sasabihin?

VANGIE:        Yong galawin ka niya, ganun! Reypin!

NEMO:           Hoy, Vangie! Boses mo! Ito, di ko na nga sinabi tas—haist! Kutusan kita diyan e!

VANGIE:        Bakit? Anong masama sa sinabi ko? E tayo-tayo lang naman ang nandito. Ikaw na nga tong tinulungan mag-isip.

NEMO:           (tatapikin ang noo) Ay diyos ko po, proud pa talaga.

LUANA:         Tama na yan.

VANGIE:        Alam mo prenship, may idea ako para mabawasan yang inis mo kay Sir.

LUANA:         Ano?

VANGIE:        Mag-salamin ka kaya, yong may kulay, yong itim. Ano nga bang tawag dun?

NEMO:           Sunglasses...shades.

VANGIE:        O yon nga, shades.

LUANA:         Ha? Ano namang magagawa nun?

VANGIE:        O di ba, kahit papaano, hindi masyadong malinaw pag tumingin ka kay Sir kasi ang makikita mo medyo madilim.

LUANA:         Vangie naman e, puro ka naman kalokohan e.

VANGIE:        Seryoso ako.

LUANA:         Salamat na lang sa suggestion mo. Hayaan mo, pag-iisipan ko yan ng bonggang-bongga. Oo nga pala, speaking of salamin, kailangan ko pala ng isang pares. Naiwan ko kasi yong akin sa amin.

NEMO:           Nagsasalamin ka?

LUANA:         Oo. Mabilis kasing humapdi yong mga mata ko pag nagbabasa. Tas maganda na rin yon, para at least pag nasa labas ako, may proteksiyon sa alikabok.

NEMO:           E di sabihin mo kay Sir na ikuha ka niya.

LUANA:         Wag na. Alam niyo namang ayaw na ayaw kong lumalapit sa kampon ng kadiliman na yon e. Maghahanap na naman yon ng kapalit. Kay Mamang na lang siguro. Kakausapin ko siya mamaya, baka matulungan niya 'ko.

NEMO:           Pwede rin.

VANGIE:        Teka, maiba ako. (uupo sa tabi ng dalaga) May gusto akong malaman sayo.

LUANA:         Ano na naman yan?

VANGIE:        Hmm...ikaw ha, may nililihim ka sa amin ni Nemo.

NEMO:           Oo nga.

LUANA:         Ano? Ako may nililihim? Ano naman?

VANGIE:        Yon nga yong gusto naming malaman kaya ikaw ang sumagot niyan.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon