NEMO & VANGIE: Talaga?LUANA: Mm-mm! Bata pa lang ako, tinuruan na ko ni mama, yong totoong nanay ko, na mag-bake. Favorite hobby niya yan e maliban sa gardening. Kaya nagustuhan ko na rin. Pag wala akong schedule sa ballet o di kaya sa school, at medyo maluwag ang oras ko, yan ang ginagawa namin.
NEMO: Wow! E pano yan, di ba medyo matagal ka ring nabulag? Hindi kaya medyo alam mo na, humina yong powers mo sa pagbi-bake?
LUANA: Mmm...siguro. Pero naniniwala ako na pag andun yong passion mo, magiging successful—magiging okay yong kalalabasan ng trabaho mo.
VANGIE: Oo nga naman Nemo. Mabuhay si Luana!
LUANA: Hmm...mas corny!!!
VANGIE: Sabi ko nga.
NEMO: Pero, if ever ba, pwede mo pa ring i-try mag-bake?
LUANA: Oo naman. May mga recipe pa naman akong naaalala kahit papaano.
VANGIE: Wow! So ibig sabihin, pwede mo rin kaming turuan kung ganun?
LUANA: Of course!
NEMO & VANGIE: Talaga?
LUANA: Basta ba may oras, walang problema. Sa totoo lang, miss ko na nga ring mag-bake e. Ang tagal na nung huli akong nag-bake. Buhay pa nun si mama...
NEMO: O siya, siya, huwag mo ng ituloy. Iiyak ka na naman e. Basta pag may time ka, go kami diyan ni Vangie!
LUANA: No problemo! Kayo pa, malakas kayo sa akin. Gusto niyo, isama pa natin sila Mamang at lahat sila dito.
VANGIE: Lahat pwera kay Laiza. Bawal ang itlog ng kuto dito.
NEMO: Korek ka diyan sis. Baka siya pa maipasok ko diyan sa oven.
LUANA: Shhh...kayo talaga.
VANGIE: O sige na, ituloy mo na yang pagkain mo para makapaglaba na tayo. Ang dami pa naman niyan.
LUANA: Hindi na, ako na, salamat. Kaya ko na to. Tsaka may machine naman e. Magpahinga na lang kayo.
NEMO: Joke lang yon. Paano ka nga namin tutulungan e hindi naman ikaw magkukusot niyan kundi yong makina. Kaya, sasamahan ka na lang namin para may makatsismisan ka habang nag-aantay. Anong say mo?
LUANA: Nice! Gusto ko yan! (sabay thumbs up)
The next morning...
Madadaanan nila Nemo at Vangie si Luana na namamalantsa ng isusuot.
VANGIE: Ano? Okay na ba? Natuyo ba?
LUANA: Oo naman. Yong mga pantaas, dalawang beses kong in-spin dry kagabi, tas yong mga pantalon, dalawang beses din, pero dun naman sa tumble dryer. Tsaka ito pa, pinapadaanan ko pa ng plantsa. O di ba?
NEMO: Ayos a. Talagang ayaw mong patalo sa challenge ni Sir sayo a.
LUANA: Dapat lang no. Ayoko siyang bigyan ng dahilan para matuwa siya. Aba, masaya siya. Akala niya siguro ganun na lang ako kadaling sumuko. Duh! Ako pa talagang hinamon at ina-understimate niya. Manigas siya!
VANGIE: Dats may girl! Palaban...walang inuurungan!
NEMO: Heh! Tumigil ka nga diyan, Vangie. Ang dapat mong gawin, bilinan mo tong bruhang to na wag na niyang babanggain pa si Sir kung ayaw niyang malagot na naman.
VANGIE: Alam na niya yon. Ikaw ba naman ang malagot kay Sir ng ilang beses, di ka pa ba matututo nun?
NEMO: Yon na nga e, parang walang balak matuto tong babaeng to, walang kadala-dala.