46 - Threatened

2.2K 41 32
                                        


Bago tuluyang umalis si Luana...

RANDEL: Luana!

LUANA: (with a poker face) Bakit?

RANDEL: Natapos mo na ba yong pinapagawa ko sayo?

LUANA: Oo. Kanina pa.

RANDEL: Good. Tomorrow, gusto ko maaga tayo, so don't be late.

LUANA: Okay.

BRENT: Sige, Luana, alis na kami.

LUANA: (ngingitian si Brent) Sige po, Sir.

BRENT: See you again...soon.

Ilang saglit pa, magpapaalam na rin ang magkapatid na Brent at Brenda. At habang nasa daan ang dalawa...

BRENDA: Now tell me...

BRENT: Tell you what?

BRENDA: About her.

BRENT: What about her?

BRENDA: I don't understand why you had to give her something.

BRENT: Bakit, may masama ba? Naging mabait lang yong tao sa akin, sinusuklian ko lang.

BRENDA: Oh, really? In what way na naging mabait siya?

BRENT: Teka nga, ano bang problema mo sa kanya?

BRENDA: At ano bang nagustuhan mo sa kanya? Don't tell me you like her cause I won't buy it. It's gonna be a big miracle kung saka-sakali.

BRENT: Then you should start believing in miracles now.

BRENDA: What? This is impossible. Yeah, she's pretty and she looks charming, but aside from those, she's nothing. She's not even your type.

BRENT: Who said so?

BRENDA: Kuya, she's a maid for God's sake. Nahihibang ka na ba?

BRENT: What's wrong with being a maid? Marangal naman na trabaho yon.

BRENDA: (iiling-iling) You've gone nuts; nababaliw ka na. Sira na ang tuktok mo.

BRENT: Call me whatever you want, I don't and I won't give a damn.

BRENDA: And you think, papayagan ka nila papa pag nalaman nila to?

BRENT: Alam mo kung anong sagot diyan sa tanong mo. Kahit kailan, hindi naging issue kay papa ang estado ng buhay ng isang tao pagdating sa pag-ibig.

BRENDA: Tss! Hibang ka na nga.

BRENT: We're just on the same boat. Pareho lang tayong hibang sa mga taong gusto natin.

BRENDA: Well, at least ako, sa isang Randlieu Sullivan lang naman ako nahihibang. E ikaw? Sino ba siya?

BRENT: Does that mean he is much more qualified para kahibangan?

BRENDA: But of course!

BRENT: Brenda, Brenda, Brenda, hindi ka pa rin nagbabago.

BRENDA: Kuya, ikaw lang naman tong iniisip ko at ang pamilya natin.

BRENT: No, sarili mo lang ang iniisip mo.

BRENDA: Kuya, she's a criminal! Alam mo yan.

BRENT: Who told you? Si Laiza ba? Anong alam niya sa totoo?

BRENDA: Of course may alam siya dahil mas nakakasama niya ang babaeng yon kaysa sayo.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon