119 - Set Up

321 15 9
                                        


RANDEL:      (whispers) Mommy, andito na ko. (repeatedly kisses her on the head)

LUANA:         So what? Bitiwan mo nga ako.

RANDEL:      Love, boses mo...baka magising si baby.

LUANA:         Anong magising? Gising na gising pa po siya no.

Agad na bibitiwan ni Randel si Luana at pupunta sa may harapan nito.

RANDEL:      Aba, totoo nga! Gising na gising pa ang Zeo ko. Na-miss mo daw ng sobra si daddy, 'nak?

Hahalik na sana ito sa bata pero bigla itong ilalayo ni Luana.

LUANA:         Hep! Hep! Kadarating mo lang.

RANDEL:      Ay grabe naman. Hahalik lang e.

LUANA:         Hindi nga pwede.

RANDEL:      O sige, di pwede kay baby, e di kay mommy na lang. (sabay nguso)

LUANA:         Tumigil ka nga. Umayos ka ha.

RANDEL:      Ba't ba ang sungit mo? Di ka ba masaya na andito na ko?

LUANA:         (tataasan ng kilay ang asawa) What do you think?

RANDEL:      Teka, meron ka ba or dinadaan mo lang ako sa galit-galitan mong yan kasi nagpumilit akong bumalik at tumuloy despite of the bad weather? Na ang totoo, alalang-alala ka na talaga para sa akin.

LUANA:         Shut up! Mukha mo. Wala akong pake kung anuman ang mangyari sayo no.

RANDEL:      Talaga? E ano yong sinabi sa akin kanina na may isang tao daw dito ang di mapakali since this morning nang malaman na nasa daan na ko?

LUANA:         Si nanay yon uy.

RANDEL:      Eh? Ano yon, sarili niya tinutukoy niya?

LUANA:         Baka si Vangie or si Nemo o kaya si Badong.

RANDEL:      E yon din ang sinabi nila sa akin e.

LUANA:         Luh? Ano, nakausap mo silang lahat, ganun?

RANDEL:      Oo, kanina, pagkarating ko. (tila nang-iinis ang ngiti nito)

LUANA:         At naniwala ka naman.

RANDEL:      Bakit naman hindi? Pare-pareho sila ng sinabi.

LUANA:         Tss! (sabay irap)

RANDEL:      Hindi mo man lang ba talaga ako na-miss? Kasi ako super...as in super na-miss ko kayo ni Zeo. Kung pwede lang talaga akong bumalik agad dito first day pa lang.

LUANA:         Wag ka ngang OA. Five days lang yon tas kung makatawag ka pa, wagas...unlimited.

RANDEL:      Oo nga wagas at unlimited, pero ni isang beses di man lang kita nakausap—no—correction, di mo ko kinausap. Kahit sa video call ilag ka o di kaya puro irap nakuha ko sayo.

LUANA:         Wala nga kasi akong pakialam. At isa pa, ayoko kasing sakyan yang ka-OA-han mo.

RANDEL:      OA? Ang tawag dun love. Tsaka hello? Five days po yon. Five days! Almost a week, kaya wag mong lang-langin. Isang araw nga lang na mawaglit ako sa inyo, parang ang tagal na, what more pa kaya ang five days?

LUANA:         Hay, ang OA talaga. Dami pang sinasabi. Labas ka nga muna.

RANDEL:      Grabe naman, kadarating ko lang.

LUANA:         Patutulugin ko na kasi to. At hangga't naririnig niya yang boses mo, hindi to matutulog.

RANDEL:      Na-miss niya kasi ako. Di ba Zeo ko?

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon