55 - Getting Obvious

1.5K 41 24
                                    


VANGIE:        Ano kasi...(hindi nito masabi ang gusting sabihin, in her mind) Hay Vangie! Ayan ang daldal mo kasi. Ano ngayon ang sasabihin mo?

LUANA:         Ano?

VANGIE:        Baka nag-aalala siya sayo kasi nga di ba, medyo may pagka-chickboy yong kaibigan niya--matinik sa mga babae.

LUANA:         At anong tingin niya sa akin, easy-to-get?

VANGIE:        Hindi naman sa ganun. (sa isip nito) Nag-aalala siya na baka nga posibleng mahulog ka kay Sir Brent. Kung alam mo lang, nagseselos yong tao.

LUANA:         Hay naku, basta ako malakas ang pakiramdam ko na tama yong iniisip ko tungkol sa iniisip ng kumag na yon. (yamot) Teka nga, wag na nga natin siyang pag-usapan. Nakakasira ng araw. Hindi ka pa ba nagugutom? Malamang tapos na silang kumain ngayon.

VANGIE:        Gutom na.

LUANA:         O, di tara na kung ganun. Gutom na rin kasi ako. (tatayo)

VANGIE:        Teka teh, last na lang.

LUANA:         Ano na naman?

VANGIE:        Okay lang ba talaga kay Sir Brent na sumali ako...kami?

LUANA:         Ang kulit ng lahi! Nasabi ko na di ba? O-po!

VANGIE:        Baka naman mainis lang yon kasi magiging isturbo kami sa inyo?

LUANA:         Vangie!!!

VANGIE:        Joke lang, peace.

LUANA:         Hindi ka rin sutil no? Tara na nga.

VANGIE:        Aysus! Nagsalita ang hindi sutil.

After lunch magpapaalam na rin si Brent. Maiiwan naman sa may veranda sina Randel at Cora. Habang masayang nagkukwento ang huli, mapapansin nito na tila di nakikinig ang kausap at malayo ang tingin nito, kunot ang noo.

CORA:           Randel, nakikinig ka ba?

RANDEL:      (startled) Po?

CORA:           Sabi ko na nga ba e. Anak, may problema ba?

RANDEL:      (iiling) Wala po.

CORA:           E ba't parang kanina pa gustong magpang-abot niyang mga kilay mo? May nakaaway ka ba? May nangyari ba sa farm?

RANDEL:      Wala po. Wag niyo na lang po akong pansinin.

CORA:           E ba't ganyan nga ang hitsura mo?

RANDEL:      Pagod lang po siguro ako.

CORA:           Pagod? Siguro? Hindi ka sigurado?

RANDEL:      Mamang naman e.

CORA:           E kaninang pagdating mo okay ka naman a.

RANDEL:      Mamang...

CORA:           Hmmm...mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit.

RANDEL:      Ano na naman po ba yan?

CORA:           Si Brent ba?

Hindi sasagot ang binata.

CORA:           Sinasabi ko na nga ba e.

RANDEL:      Nakakainis lang po kasi. Nag-usap na kami before at sinabi niya sa akin na di na siya mangingialam pagdating kay Luana. Tas ngayon, may swimming lessons pa siyang nalalaman.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon