34 - The Boss' Best Buddy

3.4K 36 24
                                    

                   
LUANA:         (salubong ang mga kilay) Po? Sinabi niya po yon?

Tango lang ang maisasagot ni Cora.

LUANA:         (yamot) Ubod talaga ng kaitiman ang budhi ng kumag na yon.

CORA:           Pasensya na, hija. Ako man di'y wala ng nagawa.

LUANA:         (ngingiti) Okay lang po yon Mamang. Akala niya siguro aatras ako dahil lang dun. Sorry siya.

CORA:           Pero sinabi naman niya na yon na lang ang gagawin mo dito sa mansion. Di mo na kailangan pang tumulong sa mga gawain dito.

LUANA:         Tss! Ano yon, medyo nakonsensya ng konti kaya may pa-consuelo de bobo?

CORA:           Pagpasensyahan mo na lang siya.

LUANA:         Ano pa nga pong magagawa ko?

CORA:           So ano, gusto mo pa rin bang ituloy ang pag-aasikaso dun? Kakayanin mo ba? Pwede ka rin namang humindi; pwede kang umatras. Okay lang. Walang kaso yon.

LUANA:         Humindi? Umatras? Nope! Ako pa talaga ang hinamon ng kumag na yon.

CORA:           Pero hija, mahihirapan ka.

LUANA:         Wala pong mahirap sa taong pursigido. At kung talagang mahal mo at gusto mo yong ginagawa mo, sigurado na di mo mararamdaman ang hirap na yan. For sure, mag-e-enjoy ka pa.

CORA:           (mapapangiti) Gusto mo talaga siyang gawin no?

LUANA:         Gustong-gusto po! Kaya, pakisabi na lang po sa anak-anakan niyo na 'watch and see' na lang yong kalalabasan ng garden ng mama niya.

CORA:           Okay. Tiwala ako sayo. (raises her fist) Nabal!

LUANA:         (magtataka) Nabal? Ano po yon?

CORA:           (mapapangiti) Binaliktad na laban.

LUANA:         Saan niyo naman po nakuha yan? (di nito mapigilan ang sariling matawa)

CORA:           Sa mga bata dun sa amin.

LUANA:         A...okay. Nabal kung nabal! (sabay tawa)

Kinabukasan, maagang gigising si Luana. Excited ito sa unang araw niya sa garden. Wala itong sasayanging oras at agad na ililista lahat ng kakailanganing mga gamit at halamang itatanim. Gagawa din ito ng simpleng 'blueprint' para sa magiging design nito.

Ilang saglit pa...

Habang nagbubungkal ng lupa si Luana gamit ang isang maliit na trowel, darating naman si Randel. Walang kamalay-malay ang dalaga sa presensya at sa pag-upo ng binata sa isa mga garden set sa kanyang likuran at mataman siya nitong pagmamasdan.

LUANA:         (keeps on humming a tune) Hmmmm...mmmm...mmm...

RANDEL:      Mukhang nag-e-enjoy ka sa ginagawa mo a.

LUANA:         Ay butiking palaka! (mabilis na tatayo, inis) Ano ba? Hilig mo ba talagang manggulat?

RANDEL:      (nakangisi) E ikaw, hilig mo din ba ang magulat?

LUANA:         Patawa ka. Ano ba kasing ginagawa mo dito?

RANDEL:      Wala naman. I'm just checking on you, I mean, itong ginagawa mo. I just wanna make sure—

LUANA:         Na ano? Na dapat pulido ang pagkakagawa, na dapat maayos, ganun?

RANDEL:      (tatango) Yeah, you got it! Good for you.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon