LUANA: Gusto mo ba talaga ng bayabas?JING-JING: Opo. Peyboyit to po kati yan. Pwede mo ba to ituha?
LUANA: Ha? Ikukuha kita?
JING-JING: Opo. Kaiyangan mo po atyat.
LUANA: Aakyat ako?
JING-JING: Waya po kati panuntit taya keyangan mo po umatyat.
LUANA: (mapapalunok, sabay tingin sa mataas na puno) Paano kaya to?
JING-JING: (with puppy eyes) Tige na po...
LUANA: O...sige sige. Susubukan ko. Wag ka ng umiyak ha.
JING-JING: Yehey!!! Tayamat. Bait bait mo paya.
Ngingiti lang si Luana sabay tayo at haharap sa naturang puno. Ilililis niya ang suot na long sleeved polo shirt at itataas ng kaunti ang suot na pants tsaka magtatanggal ito ng sapatos at magsimulang umakyat.
LUANA: Hay...bakit kasi ang dadamot ng mga batang yon at ayaw ka man lang bigyan ng kahit isa lang. (she's not aware na wala na pala itong kausap) Pambihira! Mga bata talaga ngayon, wala ng alam gawin kundi ang mam-bully.
Samantala...
RANDEL: Tope!
TOPE: Sir Del, bakit po?
RANDEL: Nakita mo ba yong kasama ko kanina?
TOPE: Yong Luana po ba?
RANDEL: Oo, siya nga.
TOPE: Ayon po, umakyat po dun sa higanteng puno ng bayabas.
RANDEL: (salubong ang mga kilay) Ano?!
TOPE: Pinapababa nga po namin kaso ayaw. Tapos sabi pa niya, wag daw naming sabihin sa inyo pag hinanap niyo po siya.
RANDEL: Sinabi niya yon?
TOPE: Opo,Sir Del. Pero Sir, wag niyo na lang pong sabihin sa kanya na sinumbong namin siya ha. Baka kasi pag-initan niya kami.
RANDEL: Ba't naman niya gagawin yon?
TOPE: Basta sir, promise po wag niyo pong sasabihin sa kanya.
RANDEL: Oo na. Sige na, sige na. Teka, Jingjing, umiyak ka ba?
JING-JING: Kati po tinabi po ni Tuya—
Mabilis na tatakpan ni Tope ang bunganga nito.
TOPE: Ah...kasi po Sir, nadapa po siya.
RANDEL: Ganun ba? May masakit ba sayo?
JING-JING: Aya po. (sabay iling)
RANDEL: Good. Sa susunod mag-iingat ka ha.
JING-JING: Opo. Teka po, hanap mo po ba ti Ate Danda?
RANDEL: Ate Danda?
JING-JING: Opo. Atyat po tya bayabat kuha bunga bigay ato. Danda-danda, bait bait pa.
RANDEL: (mangingiti) Luana. Ate Luana ang pangalan niya.
JING-JING: Wa-na?
RANDEL: Lu-a-na...
JING-JING: Wu-wa-na.
RANDEL: Luana!
JING-JING: Wana!