LUANA: Randel, ano ba? Bitiwan mo nga ako.
RANDEL: Hindi ka aalis, okay?
LUANA: Bitiwan mo ko sabi!
RANDEL: Ano ba kasing iniisip mo na gagawin ko sayo?
LUANA: Ewan ko sayo. Bitiwan mo ko!
RANDEL: Wala akong gagawin sayo, okay? Wag ka ngang praning.
LUANA: Sullivan, ano ba? Let me go!
Nangingiting pakakawalan naman ni Randel ang asawa.
LUANA: (agad na lalayo) Alam mo ikaw...dinala mo ba ko dito para—ano to? Ba't nasa akin to?
Tukoy nito ang hinubad na polo ng asawa na nakapatong na ngayon sa suot niyang manipis na sleeveless top.
RANDEL: Mukha kasing nilalamig ka na. (tila nang-aasar ang ngiti nito)
LUANA: Haist!
RANDEL: Ayan, kung anu-ano kasing iniisip.
LUANA: Shut up! Hindi ko to kailangan. (tatanggalin ang naturang damit at ihahagis sa asawa) Sayo na yan.
RANDEL: Ikaw ba magsusuot nito o ako tas yayakapin kita?
LUANA: Nang-uuto ka na naman ba?
RANDEL: Concerned lang po ako. Sige na, take it.
LUANA: (inis na aabutin ang nasabing damit) Tss! (but in her mind) Medyo malamig nga. Salamat naman at nagkusa tong mokong na to.
RANDEL: Sige na, maupo ka na.
Irap lang ang sagot ni Luana. Inis na mauupo ulit ito. Randel also takes the opposite bamboo bench and steadily stares at her.
LUANA: (feels awkward) Pwede ba, wag mo nga akong tingnan ng ganyan?
RANDEL: Bakit ba? Ano bang masama? Nababawasan ka ba? Nasasaktan ka ba? (pang-asar ang ngiti nito)
LUANA: Isa!
RANDEL: (snickers) You know what? In a way, I feel bad for Zeo.
LUANA: Ano?
RANDEL: I feel bad for him kasi di niya nakuha yang mga mata mo. Kahit man lang sana yan nakuha niya. Pero wala e...sa akin lahat e.
LUANA: Shut up!
RANDEL: O di ba? Habang lumalaki siya, mas lalong nagiging kamukha ko?
LUANA: (rolls eyes) Ugh!
RANDEL: Ano kaya kung gawa tayo ng isa pa?
LUANA: Hindi ka ba titigil?
RANDEL: Who knows baka this time ikaw naman maging kamukha.
LUANA: Titigil ka ba or what?
RANDEL: If ever, sana girl naman.
LUANA: Tumigil ka na!
RANDEL: (matatawa) Ang cute mo talaga pag nagagalit.
LUANA: Luh? Sige lang. magpakasaya ka, dahil huling linggo mo na to para pag-trip-an ako. Tingnan ko lang kong magawa mo pa yan pagkatapos kong mag-file ng petition para sa annulment.
RANDEL: (mapapaayos ng upo) Uy...ito naman. Naglalambing lang naman ako.
LUANA: Lambingin mo pagmumukha mo!
