LUANA: Nemo!NEMO: O bakit? Wala naman akong sinabi a. Tsaka ano bang tawag sa tinanghali ng gising? Di ba puyat?
VANGIE: Tama! Bihira kayang magising ng late si Sir. Palaging maaga yan. Ngayon lang ulit napuyat.
NEMO: At ang tanong, bakit at paanong napuyat?
LUANA: (rolls her eyes) Ugh!
CORA: O sige na, tumigil na kayong dalawa...may bata. Kain na.
HELEN: Teka, paano si Randel?
VANGIE: Katukin ko na lang po, Mamang.
CORA: Sige.
LUANA: (sa isip nito) Napuyat? (bigla nitong maaalala ang pagmasahe ni Randel sa kanyang binti) Napuyat siya nang dahil lang dun?
Aakyatin ni Vangie ang batang amo. Pero nakailang katok na ito ay wala pa rin itong makukuhang sagot. Pagbalik...
VANGIE: Mukhang tulog pa po. Wala pong sumasagot e.
CORA: Baka nasa banyo. Sana pumasok ka.
VANGIE: Mamang naman. Kung si Luana pwede pa po. Pero kay Sir...
CORA: Okay, sige, hayaan mo na. Sige na kumain na tayo. Susunod na lang yong batang yon.
Samantala, pasado alas-nuebe na nang magising si Randel. Magigising ito na tila may kung anong mabalahibo ang nakadagan sa kanya. Agad itong mapapabalikwas at mapapabangon.
RANDEL: Haist! (mapapaupo sabay hilamos ng palad)
Batid nito na ang asawa ang naglagay ng higanteng bear na yon.
RANDEL: (mangingiti) May pagkasutil din talaga. (mapapatingin sa orasan) Anong oras na pala.
Mangingiti ito at maiiling nang maalala ang dahilan kung ba't ito hindi nakatulog ng maayos sa nagdaang gabi. Then, bababa na ito ng kama at maliligo. Pagkatapos magbihis, agad itong lalabas ng kwarto at hahanapin ang asawa. Sa kusina, madadaanan nito sila Nemo at Vangie na naghuhugas ng pinagkainan.
VANGIE: Ay, Sir, gising na po kayo. Sandali lang po at ipaghahanda ko na po kayo ng almusal.
RANDEL: Mamaya na lang. Si Luana?
NEMO: Baka andun sa taas, sa kwarto nila Minnie at Gelai. Nag-aayos na po kasi ng gamit yong dalawa.
RANDEL: Ay, oo nga pala. Nawala sa isip ko. Ngayon na pala ang balik ng dalawa sa Del Royal. Sige, puntahan ko na lang muna sila saglit.
VANGIE: E Sir, di pa po ba talaga kayo kakain? Kahit kape at tinapay man lang.
RANDEL: Salamat pero mamaya na lang.
Sa taas, madadaanan nitong nakabukas ang kwarto nila Minnie. Naroon nga ang hinahanap kasama sina Helen at Cora. Marahan itong kakatok sa pinto.
MINNIE: Uy, gising na ang hari! Good morning! Pasok ka. Andito ang reyna.
RANDEL: (nahihiyang papasok) Salamat. Good morning din po sa lahat. (agad na lalapitan nito si Luana at hahagkan sa ulo) Si Badong po?
HELEN: Andun sa pool. Na-miss na atang lumangoy ng batang yon.
RANDEL: Hindi po ba siya nababagot dito?
HELEN: Mm...sabi niya medyo nami-miss na niya yong mga kaklase niya tsaka yong mga kaibigan niya sa amin.