CORA: At ano naman yon?Randel widens his smile as he takes Luana's hands again and lovingly kisses it.
LUANA: Randel, ano ba?
Pilit na babawiin ni Luana ang kamay pero lalo lang hihigpit ang hawak ng binata dito.
RANDEL: Gusto kong malaman niyong lahat na......(titingin muna kay Luana na ngayo'y nakatungo) magkaka-baby na po kami!
NEMO & VANGIE: (mapapapalakpak) Yay!!!
Nakangangang magkakatinginan naman ang iba.
CORA: A...anong sabi mo?
RANDEL: Mamang, we're pregnant! Isang buwan na! Magiging tatay na ko! May bago ka na namang apo! This time, isang Sullivan naman.
Hindi makakaimik si Cora sa narinig. Palipat-lipat lang ang tingin nito kina Randel at Luana.
POLDO: (bakas sa mukha nito ang labis na tuwa) Siya nga ba mga, anak? (lalapitan ang dalawa at yayakapin ang mga ito)
RANDEL: Opo, Tay. Magiging lolo ka na!
POLDO: Nagagalak ako para sa inyong dalawa. Sa wakas at mararanasan ko na ring maging lolo!
RANDEL: (mapapansin ang tila nagtatakang mukha ng mga naroon maliban kina Vangi at Nemo) Teka...sila Tatay Poldo, Nemo at Vangie lang po ba ang masaya para sa amin?
CORA: Hindi naman sa ganun...medyo...medyo nabigla lang kasi kami. Seryoso ka ba diyan, hijo?
RANDEL: Ba't naman po ako magbibiro?
CORA: Pa...papaano nangyari?
VANGIE: Mamang naman. E di siyempre po, may nangyari!
NEMO: Vangie! (kukurutin si Vangie) Alam mo, ikaw!
VANGIE: Aray! Aray!
NEMO: Pagpasensyahan niyo na po ang kadaldalan ng bruhang to. (kay Vangie) Ikaw talaga.
VANGIE: Sorry po. Peace! (sabay peace sign)
RANDEL: (mangingiti lang) Ikaw talaga. Siya nga pala, Vangie at Nemo, salamat sa pag-asikaso at pag-aaruga niyo kay Luana.
NEMO: Wala po yon, Sir. Basta para kay Luana, nandito lang po kami lagi.
LAIZA: (murmurs) Tss! Sipsip.
VANGIE: Oo nga po. Basta, Sir, ako ang number one yaya ha.
NEMO: Excuse me? Pang-number two ka lang dahil may nakakuha na ng top spot.
VANGIE: Anong top spot?
NEMO: Haist! Number one.
VANGIE: Luh? E sino naman, ikaw?
NEMO: At your service. (sabay curtsy)
VANGIE: Eh? Saan ka nakakita ng yayang lalaki, aber?
NEMO: Excuse me, ulit? Mukha lang akong kabaro ni Adan but deep inside me, babae ako no. Tsaka isa pa, kelan ka pa nakakita ng talakitok na yaya?
VANGIE: Aba!!! Nanghahamon? Nanghahamon?
CORA: Hoy! Kayong dalawa, tumigil na nga kayo.
VANGIE: Ito po kasi e.
NEMO: Aba, sino bang nauna?
CORA: Sinabi ng tumigil e.
![](https://img.wattpad.com/cover/3060453-288-k268569.jpg)