118 - Daddy & Mommy

380 16 8
                                    


After a few minutes, darating ang isang nurse.

NURSE:         Hello po! Mamayang alas-dos po, gusto sana namin kayong imbitahin na umattend sa baby care demonstration, dun po sa may room katabi ng nursery.

RANDEL:      Baby care demonstration?

NURSE:         Opo. Ito po yong kung paano yong tamang paghawak sa baby pag magpapa-burp or magpapaligo, magpadede using feeding bottles at marami pa pong iba.

LUANA:         Okay, we'll be there.

RANDEL:      Pwedeng ngayon na?

LUANA:         Haist! Atat lang?

Mangingiti lang ang nurse sa dalawa.

Pagsapit ng dapit-hapon...

Madadatnan ni Randel si Luana kasama ang kanilang anak. Kagagaling lang nito sa baba para bumili ng kanyang panghapunan.

RANDEL:      (agad na lalapitan ang dalawa) Hey, andito na pala ang gwapong-gwapo kong baby na mana sa daddy.

LUANA:         Tss!

Hahawakan na sana ni Randel ang bata nang bigla siyang tapikin ni Luana sa kamay.

RANDEL:      O, bakit?

LUANA:         Galing ka sa labas. Maghugas ka muna dun tsaka mag-alcohol.

RANDEL:      Ay, grabe naman.

LUANA:         Ayaw mo? Okay, stay away from us.

RANDEL:      Ito na nga, maghuhugas na.

Pagkabalik...

RANDEL:      Pwede ko na ba siyang makarga?

LUANA:         No.

RANDEL:      No? E naghugas naman na ako a. Nag-alcohol pa nga ako o.

LUANA:         Galing ka nga sa labas.

RANDEL:      Ay, pambihira naman. Sige na.

LUANA:         Hindi nga pwede.

RANDEL:      Okay. Kung magpapalit ba ko ng damit, pwede ko na siyang kargahin?

LUANA:         Hindi pa rin.

RANDEL:      Ang damot naman. Kahit saglit lang.

LUANA:         Kakabigay lang siya sa akin kaya wag kang ano diyan.

RANDEL:      Haist! Ang damot-damot talaga.

Hihila ito ng upuan at matamang pagmamasdan ang kanyang mag-ina.

RANDEL:      Ang gwapo talaga ng baby ko. (gently holds his baby's tiny hand) Ang tangos ng ilong. Ang hahaba pa ng binti at braso. Matangkad din to paglaki, gaya ni daddy. Kawawa naman si mommy, 'nak, wala ka man lang nakuha sa kanya. (nakakaloko ang ngiti nito)

LUANA:         Excuse me?

RANDEL:      Di ba? Tignan mong hitsura niya. Carbon copy ko. Yong kilay, ilong, shape ng mukha, bibig...ano pa ba?

LUANA:         Sa ngayon lang yan. Mag-iiba din hitsura niya pag lumaki na siya.

RANDEL:      Naniniwala ka dun?

LUANA:         Oo.

RANDEL:      Hay naku, kung nasa Cielo Puro lang sana tayo, ipapakita ko talaga sayo mga picture namin ni Lander nung mga baby pa kami. Sinasabi ko sayo, pwede kang maglaro ng 'Spot the Difference'.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon