RANDEL: Luana...mahal na mahal kita.
Lalapitan ni Luana ang dresser na naroon at bubuksan ang pinakaunang drawer. Kukunin nito ang maliit na kahon na naroon at iaabot kay Randel.
LUANA: Here. I want you to take this back.
Gusto ng manlumo ni Randel pagkakita sa wedding ring ng asawa. Tila walang salitang gustong mamutawi sa mga labi nito.
LUANA: I don't deserve that. And sorry...sorry kung di ko napanindigan ang pagiging asawa mo. Sorry kung di ko nagampanan ang mga obligasyon ko sayo. Sana...sana balang araw, matagpuan mo yong babaeng nababagay sayo. Yong babaeng kayang gawin lahat ng di ko nagawa at di ko magawa. Yong babaeng kayang ibigay yong mga di ko kayang ibigay. Yong babaeng mamahalin ka ng buong-buo. Yong mamahalin ka ng kanyang buong pagkatao.
Wala pa ring tugon si Randel. Mananatili lang itong nakatingin sa asawa, lumuluha.
LUANA: At salamat. Salamat dahil sayo may Zeo ako ngayon. Dahil sa kanya, nagkaroon ng saysay ang buhay ko. Wag kang mag-alala. Aalagaan ko siya at mamahalin ko siya ng higit pa sa buhay ko. Hinding-hindi ko siya pababayaan.
RANDEL: Luana...
LUANA: Sige na, umalis ka na please?
Wala na ring magagawa pa si Randel kundi ang sumunod. Laglag ang mga balikat at luhaang lilisanin nito ang naturang lugar.
Ilang saglit pa, habang pinagmamasdan ang natutulog na anak...
LUANA: Zeo, anak, sorry din sayo. (magsisimulang umagos ang mga luha nito) Sana paglaki mo, maintindihan mo kung ba't ko to ginagawa. Hindi ko kayang pantayan yong pagmamahal na meron ang daddy mo para sa akin. He deserves someone else, someone better na kayang ibalik yong pagmamahal na yon. Don't worry, anak, I promise, hinding-hindi maghahanap si mommy ng iba. Para sa akin, ikaw lang, sapat na. Ikaw lang ang kaligayan ko, anak. Ikaw lang, kompleto na ko.
Samantala...
RANDEL: (habang hawak-hawak ng isang kamay ang singsing ng asawa at ng kabila ang isang bote ng beer) Pinangako ko sa sarili ko at kay Zeo na di ako susuko sayo, Luana. Magiging buo ang pamilya natin. At gaya ng sinabi ko noon, kung di kita makuha sa santong dasalan at pakiusapan, then you give no choice kundi ang kunin ka sa santong paspasan. Papatunayan ko sayo, mahal ko, na mahal mo rin ako...na mahal ako ng buong pagkatao mo. I'll make that clear to you. You'll see, hindi ka na magdadalawang-isip pa. And I won't stop until you're here with me.
A day after...
Madadaanan ni Luana si Nemo na may kausap sa phone. Malungkot ang mga mata nito at tila galing sa pag-iyak.
NEMO: Sige po, Sir. Ingat po kayo sa biyahe. Sana po sa pagbalik niyo kung kelan man po yon e makilala niyo pa rin po kami ni Vangie. Opo. Ako na lang po ang masasabi sa kanila.
Pagkababa ng receiver...
LUANA: Sinong kausap mo?
NEMO: Sino pa nga ba? E di ang asawa mo.
LUANA: Aalis siya?
NEMO: Oo. Nagpaalam siya kasi bukas na daw flight niya papuntang London.
LUANA: Pupunta siyang London? (tila nanikip ang dibdib nito sa narinig)
NEMO: Gusto daw muna niyang lumayo sa inyo.
LUANA: (mag-iiwas ng tingin) Fine. (sabay lunok) Maganda yan para sa kanya. Pero...pero sana naman...sana naman nagpaalam man lang siya sa anak niya.
