BRENT: Okay, relax lang. Ang kay Cesar ay kay Cesar. Ang kay Randel ay kay Randel lang. I know that. Pero hindi naman siguro masama kung magka-crush ako sa kanya di ba? Simpleng paghanga lang.
RANDEL: Crush? Ano yon, high school?
BRENT: Parang ganun na nga, you can call it that way.
RANDEL: Mabuti na yong nagkakaintindihan tayo, mabuti na yong malinaw.
BRENT: Pero teka...paano na yong swimming lesson namin? Don't tell me di mo na ko papayagang turuan siya?
RANDEL: Hindi na nga.
BRENT: What? Hey, that's not fair.
RANDEL: Hindi na, dahil ako na mismo ang magtuturo sa kanya.
BRENT: What do you mean?
RANDEL: Ako na'ng bahala sa kanya. Asikasuhin mo na lang yong tatlo.
BRENT: Naks! Pumaparaan.
RANDEL: Kesa naman hayaan ko siya sayo no.
BRENT: So, threatened ka nga na baka mahulog siya sa akin?
RANDEL: Baliw! Anong threatened? Obvious naman na wala siyang gusto sayo no. Na-sense niya agad siguro pagiging pabling mo.
BRENT: Wow! Nagsalita ang gusto. Pareho lang tayo uy. Baka nga pag ako siguro ang manligaw sa kanya, may pag-asa pa ko. But you? I don't think so. Bundok at dagat tatawirin mo dun bago mo siya mapasagot.
Hindi makakasagot si Randel. Bigla na lang itong malulungkot.
BRENT: Oops! No offense meant, pare. I was just joking.
RANDEL: Okay lang. Totoo naman yong sinabi mo e. (mapapabuntong-hininga) At hindi ko naman siya masisisi.
BRENT: So...anong balak mo ngayon?
RANDEL: Ano pa nga ba? Of course I'll woo her...I'll pursue her. Gusto kong ipadama sa kanya kung ano at sino ba talaga siya sa akin.
BRENT: Tama yan. Itama mo muna kung ano yong mali mo. Dahil kung ako ang tatanungin mo, I don't think I'd be a good idea kung magtatapat ka agad sa kanya.
RANDEL: Yan din actually ang sinabi sa akin ni Mamang.
BRENT: Alam ni Mamang?
RANDEL: (mapapatango) Gaya mo, malakas din ang sensor nun.
BRENT: Wait, sino pa? Sino pa ang nakakaalam?
RANDEL: Ewan ko. Sila...siguro.
BRENT: Sinong sila?
RANDEL: Lahat sila dito.
BRENT: So I was right dun sa sinabi ko kanina?
RANDEL: Malamang...siguro...oo...pwede...ewan ko.
BRENT: I don't get it.
RANDEL: Ganito kasi yon... (ikukwento nito ang nangyari nung muntik ng malunod si Luana)
BRENT: What? Nagawa mo yon in front of them?
RANDEL: Pare, I was so worried about her then and...and...I got overwhelmed nung nagkamalay siya kaya di ko napigilan yong sarili ko.
BRENT: And you said, Brenda was there, too, right?
Tatango lang si Randel.
BRENT: (hindi makakaimik, in his mind) Bakit di niya sinabi or nabanggit man lang na andun pala siya nung nangyari yong aksidente? And why do I have this feeling na hindi nga yon aksidente? May kinalaman kaya siya dun? Sinadya niya kaya yon?
