Bibitawan lang ni Randel ang kamay ni Luana pagkaupo nila. She'll just keep mum and sulk on her seat with a long face and crossed arms.WAITER: May I have your order ma'am?
LUANA: Tubig lang. (sabay tingin ng masama kay Randel)
WAITER: Po? (mapapatingin din ito kay Randel)
RANDEL: (beckons to the waiter then whispers with a smile) Pagpasensyahan mo na yan. Naglilihi kasi kaya medyo wala sa mood.
WAITER: (ngiting-ngiti) Sabi ko na nga ba e. Ayos lang po yon, Sir, naiintindihan ko po.
Habang hinihintay ang order...
RANDEL: By the way, bibili pa pala tayo ng mga masusuot mo. Bilin din kasi yon ni Mamang. Tsaka mabuti na rin yon para minsanan na. Nandito na rin lang naman tayo.
LUANA: Ba't kailangan pa kasing bumili? May mga maisusuot pa naman ako dun galing kay Vangie.
RANDEL: Ang alin? Yong mga damit niya na mistulang mga tights sa sikip? Gusto mo bang pagpiyestahan ka ng mga kalalakihan sa farm at pagtsismisan naman ng mga kababaihan dun?
LUANA: Tss! (isang masamang tingin ang ipupukol kay Randel) E di bumili. (sabay irap)
Pagdating ng order...
WAITER: Ma'am, kain po kayong mabuti ha. Maganda po yan para sa inyong dalawa ng baby niyo. (sabay lingon at ngiti kay Randel tsaka ito aalis)
LUANA: (halos magdugtong ang mga kilay) Ano?! Bastos yon a. Anong akala niya sa akin?
RANDEL: O, puso mo. Relax lang.
LUANA: Haist! Bakit ba ang malas-malas ng araw na to?
RANDEL: Ikaw lang naman ang nag-iisip niyan. Tsaka, pagpasensyahan mo na yong tao. Baka napagkamalan lang niya tayong...alam mo na.
LUANA: At kasalanan mo. Tsaka anong napagkamalan? Bulag ba siya?
RANDEL: Bulag? Bakit naman?
LUANA: Dahil bulag lang ang magsasabi at mag-aakalang tayo. Ugh!
RANDEL: Hayaan mo na yon. Kumain ka na.
LUANA: Ayoko. Nawala na yong gutom ko. (sulks again) Wala na 'kong gana.
By then, tila mag-iiba ang expression ni Randel, tila magiging galit ito.
RANDEL: Pag sinabi kong kumain ka, kumain ka. Wag nang madaming arte, pwede?
LUANA: Pag sinabi kong ayoko, ayoko. Wag nang mapilit, pwede?
RANDEL: Ganun? So, gusto mo talagang makipagmatigasan. Well, to tell you (leans a little forward) isa sa mga pinakaayaw ko ay ang sagarin ang pasensya ko, Luana. Kakainin mo yan kung gusto mong makauwi na tayo. O baka naman gusto mo lang na matagalan tayo para makasama mo ko ng mas matagal. (smirks)
LUANA: What?! Ang kapal talaga ng mukha mo para sabihin yan! My God, you're such a jerk!
She wants to shout at him pero di nito magawa.
RANDEL: Isipin mo na lang ako si Lander.
LUANA: (mapapalakas ang boses) Shut up!
Agad na mapapatingin sa kanila ang ilang diners na naroon. Mapapatungo naman si Luana.
RANDEL: Gustong-gusto mo talagang nakukuha ang attention ng ibang tao no?