LUANA: (magpupumiglas at pilit na kakawala) Ano ba?RANDEL: Ano, papalag ka pa?
LUANA: Demonyo ka talaga. Let me go!
RANDEL: Demonyo na kung demonyo. I don't care kung anong tingin mo sa'akin or kung ano man ang gusto mong itawag sa akin. Basta gagawin mo lahat ng iuutos ko. Susundin mo lahat ng gusto ko. Pagsisilbihan mo ko sa ayaw at sa gusto mo.
LUANA: Dream on! Hinding-hindi mangyayari yan. Never!
RANDEL: (mapapangiti) Okay, para di mo naman sabihing unfair ako, I'll give you two options. Mamili ka: magsisilbi ka sa pamamahay na to or (ilalapit ang bibig sa may teynga ni Luana then whispers) be my slave at night...in my bed. Mas masaya yon. (smirks) Ano? Make your choice.
LUANA: (nanggagagalaiti sa galit) Wala kang kasing sama. Sana ikaw na lang ang namatay at hindi si Lander!
RANDEL: Wish all you want kung yan ang magpapasaya sayo. But I'm telling you, that won't help. You'll still stay here for the rest of your life...no matter what.
LUANA: Hayop ka talaga.
RANDEL: So... (aabutin ang uniform) are you gonna wear this or do you want us to start with our steamy adventure tonight? (bites his lower lips as he mockingly looks at her)
LUANA: (galit na galit na hahablutin ang naturang damit kay Randel) I-hate-you! I wish you were dead. Let me go!
RANDEL: Sure. (sabay ngiting nakakaloko) In ten minutes, I want you to be back here, in it (sabay tingin sa uniform).
Patakbong lilisanin ni Luana ang lugar na yon. Agad naman siyang hahabulin nila Nemo at Vangie na nasa may front door, nagtatago lang at tahimik na nakamasid sa kanila.
Pagdating sa kwarto ni Vangie, doon na niya ibubuhos ang nararamdaman sa pag-iyak.
VANGIE: Luana... (hahagurin ang likod ng dalaga)
NEMO: Luana, tama na. Alalahanin mo yang mga mata mo.
LUANA: Bakit kailangang mangyari to sa akin? Diyos ko, ano po bang nagawa kong kasalanan sa inyo para parusahan ng ganito? Nagmahal lang ako pero ito ang kapalit.
NEMO: Tama na...tahan na...lilipas din to...
LUANA: Kelan pa? Pag uugod-ugod na ko?
VANGIE: I'm sorry Luana na kailangang mangyari sayo to. Naiintindihan ka namin. Kung may magagawa lang sana kami.
NEMO: Magpakatatag ka sana. Andito lang kami para sa'yo.
Wala ng magawa pa si Luana kundi ang yumakap sa dalawa.
Samantala...
RANDEL: What's taking her so long?
CORA: Randel...sumusobra ka na.
RANDEL: Mamang, ito na naman po tayo. Pauit-ulit na lang po tayo.
CORA: Randel!
RANDEL: Siya nga po pala, simula ngayon, sa may maid's quarter na po siya matutulog.
CORA: (mapapakunot) Ano?
RANDEL: Magsisilbi na siya dito sa atin so to be fair naman sa iba, doon na rin siya. But don't worry, makakasama naman niya si Vangie.