At mabilis na malilipat nila Randel si Luana sa nasabing kwarto.RANDEL: Sige na. Ako na ang bahala sa kanya. Salamat.
NEMO: Ay, okay lang po yon. Tsaka dapat nga po kami yong nagpapasalamat sa inyo para dito sa kaibigan namin.
RANDEL: Okay lang yon.
VANGIE: A, sir, siyanga po pala, gusto ni Luana na kung pwede daw po wag na daw po sanang makarating to kay Mamang.
RANDEL: Ha?
VANGIE: Ayaw po niya kasi na may ibang inaala si Mamang habang nandun siya sa kanila. Gusto ni Luana na ma-enjoy niya yong pagbisita niya dun.
RANDEL: (marahang tatango) A...okay. Walang problema kung yan ang gusto niya.
VANGIE: Salamat po. Sige po, sir.
RANDEL: Sige.
Pagkaalis nila Nemo at Vangie, agad na uupo si Randel sa gilid ng natutulog na dalaga. Kukunin nito ang kamay ng huli at marahang pipisilin.
LUANA: (in a frail voice) Vangie...Vangie... (nakapikit pa rin ito)
RANDEL: (his one hand reaches for her hair and stokes it) Luana...may kailangan ka ba?
LUANA: Vangie, nilalamig ako.
RANDEL: Ganun ba? Sandali.
Tatayo si Randel at aayusin ang kumot hanggang sa may balikat ni Luana.
RANDEL: Konting tiis na lang, parating na ang doctor.
Matitigilan si Randel dahil sa mahigpit na paghawak ni Luana sa kanyang braso.
LUANA: Please...wag kang umalis. Dito ka lang sa tabi ko.
RANDEL: Hindi...hindi ako aalis. Dito lang ako. Pahinga ka na. (uupo uli ito sa may bandang ulunan ng kama pasandal sa headboard)
Magugulat na lang siya dahil sa dahan-dahang gagalaw palapit sa kanya si Luana at yayakap ito sa may beywang niya at sisiksik na tila isang bata.
RANDEL: (in his mind) Oh my God, what am I gonna do? Baka maabutan kami na ganito. (kay Luana) Luana... Luana...
LUANA: Nemo...wag kang makulit pwede?
RANDEL: Ano daw? Nemo?
Dahan-dahan nitong tatanggalin ang braso't kamay ni Luana sa pagkakayakap sa kanya pero ibabalik din ito ng huli kaya wala na siyang magagawa kundi ang pabayaan na lang niya ito.
RANDEL: Bahala na. (mangingiting pagmamasdan nito ang dalaga habang haplos nito ang buhok ng huli)
In a little while, darating si Nemo kasama ang doctor. Biglang matatahimik ang dalawa dahil sa madadatnang position nila Randel at Luana.
RANDEL: A...ano kasi...big...bigla na lang siyang yumakap. Pinilit ko ngang tanggalin...ka...kaso...ayaw e. Akala niya siguro a...ako si Vangie...kasi kanina pa niya binabanggit pangalan niya tsaka pati ikaw Nemo.
NEMO: (tila matatauhan nang marinig ang pangalan) Po? Ako po?
RANDEL: Pangalan niyong dalawa yong binabanggit niya.
DOCTOR: (lalapit sa dalaga at sasapuin ang noo nito) Masyadong mataas ang lagnat niya kaya medyo delirious siya.
LUANA: Shhh...Nemo please...
Magkakatinginan ang tatlo.
NEMO: Mukha nga, Doc.
Ilang tanong muna ang itatanong ng doctor sa dalawa bago niya isa-isang ilalabas ng ang mga gamit sa dalang bag.
