124 - Cupids

315 18 12
                                        

           
Biglang mawawala ang ngiti ng apat.

HELEN:         Luana...

LUANA:         Nay, kung andito pa rin po siya masasanay—

HELEN:         Ano naman kung masanay yong anak mo sa kanya, e siya naman ang ama niya?

LUANA:         Nay...

RANDEL:      Um...Nay, siguro nga po, mas magandang umalis na po ako.

HELEN:         Hindi...hindi ka aalis. Paano kung magising yang apo ko at ikaw ang hanapin? Nakita niyo naman kahapon di ba? Ikaw yong nakapagpatahan sa kanya sa pag-iyak. Gusto niyo bang kabagin siya ulit sa kaiiyak?

LUANA:       Hindi naman na po siguro siya mag-iiiyak ngayon.

HELEN:       Siguro...hindi ka sigurado.

Hindi makakasagot ang anak.

HELEN:         (to Randel) Dito ka lang. Tamang-tama, marmerienda muna kayong dalawa nitong asawa mo.

LUANA:         (murmurs) Hay...si Nanay talaga.

VANGIE:        Ay oo nga, prenship! Nagluto si Nay Helen ng pancit. Ang sarap. Sandali't ipaghahanda ko kayo.

LUANA:         Wag na. Busog pa naman ako.

NEMO:           Sige na, girl.

LUANA:         Ayoko nga.

HELEN:         Wag ng pilitin kung ayaw. (kunwari nagtatampo ito) Sayang ang dami ko pa namang niluto.

LUANA:         (mapapabuntong-hininga) Okay, okay. Kakain na po.

HELEN:         (mangingiti bigla) O, sige na, doon na kayo kung ganun. (ipagtutulukan ang dalawa) Ako na lang magbabantay dito sa apo ko.

Magkakatinginan ang mag-asawa. Masamang tingin ang ipupukol ni Luana habang pigil naman ang ngiti ni Randel, tila nang-aasar.

Sa may hapagkainan...

NEMO:           Anong gusto niyong maiinom?

RANDEL & LUANA:            Kahit ano na lang.

Sabay na magkakatinginan ang dalawa. Pati na sila Nemo at Vangie na pilit na pinipigil ang kilig.

NEMO:           May pineapple dito, may orange tsaka lemon.

RANDEL & LUANA:            Lemon na lang.

LUANA:         Ano ba? (inis na lilingunin ulit ang asawa)

RANDEL:      O, ano na naman? E sa yon ang gusto ko.

LUANA:         Haist! Pineapple na lang ako.

NEMO:           Okie po. (nakakaloko ang ngiti nito sa kaibigan)

Ilang saglit pa...

NEMO:           Vangie, lika na.

VANGIE:        Tara!

LUANA:         Wait...saan kayo pupunta?

VANGIE:        Kukunin na namin yong mga sinampay.

LUANA:         Pwedeng mamaya na lang? Dito na muna kayo. Kain ulit kayo.

NEMO:           Teh, baka di mo natatanong, naka-tatlong plato po ako kanina. Kaya thanks, but no, thanks.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon