Mag-aangat ulit ng ulo ang dalaga at bahagyang lalapit sa kinaroroonan ni Randel; tila nagmamakaawa ang mga mata nito.LUANA: Please, nakikiusap ako. Gusto ko lang talagang makatiyak kung okay sila. Ilang gabing di na ko makatulog ng maayos dahil sa kaiisip ko sa kanila. Please...
RANDEL: Okay. Papayag ako sa gusto mong mangyari...pero sa isang kondisyon.
LUANA: Ko...kondisyon? A...ano?
RANDEL: Handa ka bang gawin yon kung sakali?
LUANA: (tatango) Ka...kahit ano, gagawin ko para sa...para sa pamilya ko.
RANDEL: (leans back with a sly smile) Kahit ano? (sabay taas ng kilay)
LUANA: Kahit ano.
RANDEL: (leans forward toward his desk, places his elbows on it, claps his hands and rests his chin on them) Kahit ikaw mismo ang kapalit? (nakakaloko ang mga ngiti nito)
LUANA: (magsisimulang kabahan, mapapalunok ulit) Wha...what do you mean a...ako ang kapalit?
RANDEL: (leans back again, his gaze is still set upon her and starts to swivel the chair, tapping repeatedly on its armrest) Why do I find it amusing when I see your face like that? So innocent, so naïve plus that worry mixed with a little anger.
LUANA: (her anger starts to flare up but she's still able to control it) Hindi ako pumunta dito para makipagbiruan sayo. Nagpunta ako dito para makiusap.
RANDEL: (smirks) Ganyan nga Luana, natututo ka na. Marunong ka ng makiusap ngayon. Hearing it from your own lips is like a sweet music to my ears.
Hindi makakaimik ang dalaga. Parang gusto ng maubos ang natitira pang pasensya nito para sa sutil na binata.
RANDEL: Okay. Pag-iisipan ko muna kung anong magiging kondisyon ko para sayo.
LUANA: (her face lightens a little) Does that mean...
RANDEL: Antayin mo na lang yong report within this week.
LUANA: (relief is drawn on her face) Thank you. Salamat talaga.
RANDEL: Wag kang magpasalamat, dahil may kabayaran yon.
Inis na mapapabuntong-hininga ang dalaga sa narinig.
RANDEL: (stands up and comes near her then whispers) At yon ang dapat mong paghandaan.
Parang kinilabutan si Luana sa narinig. Gustuhin man niyang magsisi at bawiin ang sinabi ay hindi na pupwede. Iisipin na lamang niya na para ito sa kanyang Nanay Helen at kapatid.
LUANA: Aalis na ko. Salamat uli. (sabay talikod)
RANDEL: (hatid ng tingin ang dalaga, sa isip nito) Mahal na mahal mo talaga ang pamilyang kumupkop sayo na pati sarili mo handa mong ipagpalit para lang sa kanila. (bakas sa mukha nito ang lungkot......at paghanga)
Lingid sa kaalaman ni Luana, noon pa man, simula nung kunin siya ni Randel at ikulong sa hacienda, kumuha na ito ng taong magbabantay sa pamilya ng dalaga. Every month, he receives a report from that person, kung okay ba sila, kung nasa maayos ba silang kalagayan. He makes sure na maganda ang buhay ng mga ito. Inisip na rin niya na malaki rin ang utang na loob niya kina Helen dahil sa pag-aaruga nito sa kanyang kapatid nung buhay pa ito.
Pagsapit ng hapon, sa may garden...
NEMO: OMG! Luana, ang ganda na! Ang galing mo!
VANGIE: Oo nga! Parang kailan lang, parang walang kabuhay-buhay to na ewan. Pero ngayon? Wow talaga!
