Wala ng magagawa pa si Randel kundi ang bumangon at isuot uli ang pantaas nito.
RANDEL: (mauupo sa may paanan ng kama) Please, wag mo na ulit sasabihin yong mga sinabi mo, at wag mo na ulit gagawin yong ginawa mo kanina dahil hindi ko alam kong anong pwede kong gawin sa kung sino mang gagawa ng masama sayo. Hindi ko kakayanin pag nalagay ka sa peligro. Baka kung anong magawa ko pag napahamak ka. Baka makapatay ako...mapapatay ko sila. Mahal na mahal kita, Luana, at handa akong pumatay para sayo. (tatayo at tutunguhin ang pinto)
Pagkalabas, pagsususuntukin at pagsisisipain nito ang pader. Gusto nitong mailabas ang galit at inis sa sarili at sa situwasyon nila ni Luana.
RANDEL: Shit! Shit! Shit! (paulit-ulit ito habang paulit-ulit din ang pagsuntok at pagsipa nito sa pader)
Agad naman siyang aakyatin ni Cora para pigilan ito sa ginagawa.
CORA: Anak, tama na yan. Tama na.
Hindi na mapipigilan pa ni Randel ang mapaluha pagkayakap sa kinikilalang pangalawang ina.
RANDEL: Mamang...
CORA: Shhh...tama na. Magpahinga ka na muna. Sige na. Nagdurugo na tong kamay mo o. Para magamot na rin.
RANDEL: No, kaya ko po ang sarili ko. Puntahan niyo po si Luana...mas kailangan po niya kayo. (tsaka nito dahan-dahang tutunguhin ang kwarto)
CORA: Hay...ano ba tong nangyayari?
Sa kwarto ni Luana...
CORA: Luana, anak?
Hindi kikibo ang dalaga. Nakahiga pa rin ito patagilid, yakap-yakap pa rin ang sarili.
CORA: Luana... (lalapitan nito ang dalaga)
By then, babangon si Luana at yayakap ito kay Cora at magsisimulang humagulgol muli. Hahayaan muna niya ang dalaga hanggang sa mahimasmasan ito.
CORA: (ihaharap si Luana sa kanya) Anong nangyari? May ginawa ba sayo si Randel? (aayusin nito ang magulong buhok ng huli)
Imbes na sagutin ang tanong ni Cora, iba ang mamumutawi sa bibig ni Luana.
LUANA: Mamang, napakasama ko po bang tao?
CORA: Bakit mo naman nasabi yan? Siyempre hindi.
LUANA: Nang dahil po kasi sa akin maraming nasasaktan.
CORA: Hindi mo naman ginusto yon.
LUANA: Mamang, sorry po.
CORA: Sinabi ko naman sayo na okay na.
LUANA: Pati kayo po kasi nadadamay sa gusot namin ni Randel.
CORA: Damay ako...kami, dahil mahal namin kayong dalawa at mahalaga kayo sa amin.
Hindi makakaimik ang dalaga. Mapapatugo lang ito.
CORA: Anak, wala na ba talagang puwang diyan sa puso mo ang patawarin siya?
LUANA: Ewan ko po. Basta ang masasabi ko lang, every time na nakikita ko siya, naaalala ko lahat ng sakit at hirap simula nung kinuha niya ko sa pamilya ko.
CORA: Anak, subukan mo sanang isipin din yong mga ginagawa niya para sayo.
LUANA: Hindi ko po alam kung kaya ko. Parang ang hirap po e.