128 - Harana

294 18 11
                                    

The next morning...

Bigla na lang mapapabalikwas ng bangon si Randel pagkagising nang matiyak nito na nasa ibang kwarto siya at hindi sa kwarto nila ni Luana.

RANDEL:      Shit! Panaginip na naman. (sabay hilamos ng mga palad sa mukha)

Pero mapapangiti ito nang maalala ang totoong nangyari sa nagdaang gabi.

RANDEL:      Need help?

LUANA:         No, thanks.

RANDEL:      Sure?

LUANA:         (tataasan ng kilay ang asawa) Kung mangungulit ka lang, mas mabuti pang umalis ka na.

RANDEL:      (itutukod ang isang siko sa may unan at ipapatong ang ulo sa kamay para mas lalong masilayan nito ang asawa) Hindi ka ba nilalamig diyan sa suot mo?

LUANA:         Tss! Ano bang klaseng tanong yan?

RANDEL:      Wala lang, natanong ko lang. Ngayon lang kasi kita nakitang nagsuot ng ganyan.

LUANA:         So? May problema ba?

RANDEL:      Wala naman.

LUANA:         Wala naman pala e.

RANDEL:      Naninibago lang ako. Hindi ka naman naggaganyan dati nung magkasama pa tayo.

LUANA:         (mumbles) Dahil ayokong maging dahilan ng pagkakasala ng utak mo.

RANDEL:      (mangingiti) Ha? (kunwari di nito narinig ang sinabi ng asawa)

Saktong matatapos na si Luana sa ginagawa.

LUANA:         Wala. Sabi ko, alis ka na. (tatayo na ito)

RANDEL:      Ten minutes pa please?

LUANA:         Haist! Gusto ko ng magpahinga.

RANDEL:      O di humilata ka na rin dito.

LUANA:         (medyo mapapalakas ang boses) Nang-aasar ka ba?

RANDEL:      Shhhh...boses mo.

LUANA:         Haist! Alis na kasi.

RANDEL:      Sige na naman, please? Ten minutes lang naman. Promise, di ako mangungulit.

LUANA:         Fine. (kukunin nito ang cellphone at mauupo ulit sa sofa)

After ten minutes...

LUANA:         (lalapitan ang asawa) Hoy! You're ten minutes' over. Alis na.

Pero wala itong makukuha sa ngayo'y nagtutulog-tulugang asawa.

LUANA:         Hoy, Randel, (sabay yugyog sa asawa) alam kong nagpapanggap ka lang kaya bumangon ka na diyan.

Pasimpleng mangingiti naman si Randel. Hindi pa rin ito kikilos.

LUANA:         Randel, ano ba? Hindi ka na nakakatuwa. Bangon na kasi.

By then, biglang babaling ng higa ang kanyang asawa sa kanya at iyayakap ang isang braso nito at hahapitn siya sa may parteng balakang niya.

LUANA:         (mapapasigaw) Sullivan!

By then, magugulat ang natutulog na anak at magsisimulang umiyak.

LUANA:         Haist! Kita mo naaaaa? (sabay kurot sa braso ng asawa)

RANDEL:      Aray! Aray! (bibitiwan ang asawa)

LUANA:         (lalapitan ang anak at tatapik-tapikin ito) Shhh...tahan na baby ko. Sorry na. Di sinasadya ni mommy. Tahan na. (starts humming a melody)

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon