111 - A New Beginning

371 17 23
                                    

          
LUANA:         Sumipa yong baby ko. (maluluha na lang ito at mapapayakap sa ina) Nay, yong baby ko. Sumipa yong baby ko.

HELEN:         Talaga anak?

LUANA:         Opo. Hindi po ako pwedeng magkamali. Ramdam na ramdam ko po yong pagsipa niya.

Samantala...

JAM:               Hoy, okay ka lang?

RANDEL:      Tita, narinig mo yon? Sumipa daw yong baby ko. (pati ito ay naiiyak na rin)

JAM:               Oo, hindi ako bingi no. Nakakatuwa! Sumipa yong baby mo nung halikan mo nanay niya. Pati siya ata natuwa sa mga magulang niya.

RANDEL:      Grabe, I can't wait for the day na lumabas na siya.

JAM:               I'm so happy for the both of you.

RANDEL:      Thank you, Tita. I just wish na sana maging way na yong anak namin para tuluyan na siyang magkaroon ng puwang sa puso niya para sa akin.

JAM:               I strongly believe, darating din yan. Just be patient, hijo...just be patient.

Mangingiting tatango si Randel at mapapatingin ulit sa ngayo'y kabiyak na niyang si Luana.

After the wedding ceremony, ipagpapatuloy nila ang selebrasyon. It ends up around 9. Nang makapagpaalam na ang lahat ng dumalo, magsisipasok na rin sila Randel, pero maiiwan pa sa baba sila Helen at ang iba pang mga kasambahay. Mauuna nang aakyat sila Luana at Cora na tila bibigay na ang mga talukap. Agad namang susundan ni Randel ang asawa.

LUANA:         What do you want?

RANDEL:      Wala. Ihahatid lang kita.

LUANA:         Tss! Pwede ba, tantanan mo ko?

RANDEL:      O, wag na init ulo. By the way, wala ka na bang nararamdamang kakaiba? Hindi ka na ba nahihilo or what?

LUANA:         Kung nahihilo ako or may nararamdaman man akong kakaiba, malamang kanina pa 'ko umakyat at di na 'ko naki-join dun, di ba?

RANDEL:      Sabi ko nga. It's great to know that you're totally well.

Pagkatapat sa may kwarto ni Luana.

RANDEL:      Goodnight.

Hindi sasagot si Luana. She just rolls her eyes and tilts the knob. Halos mapasigaw na lang ito nang bigla siyang yakapin ni Randel mula sa likuran.

LUANA:         Randel, ano ba?

RANDEL:      Please? Just give me a minute.

LUANA:         Ugh! Let me go!

RANDEL:      (hahalikan sa may ulo ang asawa, then sa sentido) I just want you to know how happy I am today. Thanks to you. Lahat ng mga pinangarap ko lang dati...unti-unti ng natutupad.

LUANA:         So what? Pakialam ko. Pwede ba, tigilan mo ko sa mga pag-emote-emote at pagsenti-senti mong yan? Hindi ako interesado sa kung anumang pangarap meron ka.

RANDEL:      But you're involved...dahil ikaw yon. Kayo ng baby natin.

LUANA:         Shut up! Bitiwan mo sabi ako. Tatamaan ka na talaga sa akin.

RANDEL:      (bahagyang matatawa) Ba't parang lalo ka atang naging masungit ngayong kasal ka na sa akin?

LUANA:         Nagtanong ka pa.

RANDEL:      Don't tell me until now naglilihi ka pa din?

LUANA:         Alam ko kasi na lalakas na lalo yang loob mo at kakapal yang mukha mo dahil kahit papaano may pinanghahawakan ka na ngayon.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon