Habang naglalakad palayo sa lugar na iyon, hindi nito mapigilan ang sarili na mapaisip ng kung anu-ano.RANDEL: Hay Randel...praning ka na naman. Hayaan mo na muna kasi siya.
Bigla itong mapapatigil dahil sa maririnig na mga boses galing sa dalawang tao sa may labahan.
RANDEL: Nemo? Vangie? Anong ginagawa nila diyan?
Samantala....
NEMO: Sinasabi ko na nga ba e, may gumugulo sa isip mo. Kanina ka pa wala sa sarili e. Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano yon.
VANGIE: Nemo...
NEMO: Ano nga sabi yon?
VANGIE: Alam ko nangako ako sa kanya. Nangako ako na wala akong pagsasabihan maski na sayo o kay mamang. Pero hindi ko na kaya. Binabagabag na ko ng konsensya ko. Kinakabahan na ko ng sobra-sobra.
NEMO: Ano? Teka, teka. Alam mo, di kita maintindihan, di kita ma-gets. Anong pangako? Kanino? Ano bang pinagsasasabi mo?
VANGIE: Nemo...
NEMO: Alam mo, babatukan na talaga kita. Diretsahin na kasi.
VANGIE: Ano kasi...
NEMO: Anong ano?
VANGIE: Si....si...
NEMO: Si...?
VANGIE: Si...
NEMO: Isa mo pang si, sisikaran na kita.
VANGIE: Si Luana...
NEMO: Si Luana? Bakit? Anong nangyari sa kanya?
VANGIE: Si Luana...tu...tumakas siya.
NEMO & RANDEL: Ano?!
Agad na mapapalingon ang dalawa sa direksiyon ni Randel.
VANGIE: S....Sir...Del....
RANDEL: (lalapitan ang dalawa) Anong sabi mo? Tumakas si Luana?
VANGIE: (mapapatungo) O...o...opo.
RANDEL: Shit! (galit namaiihilamos nito ang mga palad) Ba't di mo sinabi sa akin?
VANGIE: K...ka...kasi po...kasi po sir, na...nangako...nangako po ako sa kanya. (magsisimula na itong umiyak)
RANDEL: So, matagal mo ng alam ang plano niyang pagtakas?
VANGIE: (mag-aangat ng ulo at iiling) Hindi po, sir. Noong...noong isang araw lang po.
RANDEL: (maihihilamos na lang nito ang mga kamay sa mukha) Anong oras siya umalis?
VANGIE: Kani-kanina lang po. Baka po...baka po hindi pa po siya nakakalayo. Sa...sakay po siya ng kabayo.
RANDEL: Puntahan niyo si Mamang at si Brent. Sabihan niyo sila na sila na muna ang bahala dito.
VANGIE: (tila magliliwanag ang mukha nito) Su...susundan niyo po siya?
RANDEL: Ano pa nga ba? Alangan namang pabayaan ko siya sa ganitong oras. E kung may mangyaring masama sa kanya?
Hindi makakaimik si Vangie.
NEMO: Gusto niyo po ba ng makakasama, Sir? Pwede po kaming tumulong sa inyo or kahit ako na lang po.
RANDEL: Hindi na.