RANDEL: (dahan-dahan nitong bibitiwan ang dalaga) Um... (di nito malaman kung paano ipapaliwanag ang sarili)
LUANA: Kelan pa to? (halos mag-abot ang mga kilay nito)
RANDEL: Luana...
LUANA: You lied to me.
RANDEL: I...I can explain. (reaches for her hands)
LUANA: No! (sabay bawi sa mga kamay) You don't have to. Obvious naman na na naisahan mo ko, na napaikot mo ko at pinagmukha mo kong tanga. (iiwan ang binata at tutunguhin ang kanyang kwarto)
RANDEL: No...please, Luana, listen to me. (hahabulin ang dalaga at pipigilan niya ito sa braso)
LUANA: Bibitiwan mo ba ko or gusto mong totoong mapilayan?
RANDEL: (dahan-dahang bibitiwan ang dalaga) Luana... (tila nakikiusap ang mga mata nito)
LUANA: I hate you! (sabay talikod)
RANDEL: Luana, I'm sorry. Nagawa ko lang naman yon kasi—
Hindi na nito matatapos ang sasabihin dahil sa malakas na pagsara ng pinto sa kanyang harapan.
RANDEL: (kakatukin ang dalaga) Luana, please open this. Let's talk. Luana, please...
LUANA: Get lost!
RANDEL: Luana...sorry na.
At lilipas ang araw na di siya papansinin ng dalaga. Maging sa pagluwas nila para sa kasal ni Evan ay di pa rin ito kikibuin ni Luana.
Evan's wedding day.
Marahang kakatok si Randel sa kwarto ni Luana para sunduin ito. Agad naman siyang pagbubuksan ng isa sa dalawang taga-ayos ng dalaga.
MUA1: Ay, Sir, pasok po kayo.
RANDEL: Tapos na ba kayo?
MUA1: Naayusan na po namin siya. Andun po sila ngayon nung kasama ko sa banyo, nagbibihis. Maupo po muna kayo.
RANDEL: A...okay, salamat.
Ilang saglit pa at lalabas na rin sila Luana.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
MUA1: Ay, ma'am, ang ganda ganda ganda niyo po talaga! Unlimited! At bagay na bagay sa inyo yang gown.
LUANA: Sus, binola mo pa ko.
MUA1: Totoo po. Kahit pa nga po tanungin niyo si Sir. Di po ba, Sir? (sabay lingon kay Randel.
Mapapanganga, mapapatulala at tila tuod na mapapako naman ang tingin ni Randel sa napakagandang dalaga. Magkakatinginan naman ang dalawang makeup artists, kinikilig para sa dalawa.
MUA2: (comes near her friend and murmurs) Ay ayan, na-speechless na. Tulaley ang pogi.
MUA1: Di mo naman kasi masisisi, girl. Ang ganda naman talaga kasi.