117 - Delivery

543 20 18
                                    


LUANA: Excuse me? In your dreams.

RANDEL: E ba't mainit na naman ulo mo sa akin? Kumain lang naman ako ng cake a. Kasalanan ba yon?

LUANA: Wag mo kong kausapin.

Pigil naman ni Randel ang ngiti dahil sa kilig. Alam niya kahit hindi aminin ng asawa na nagseselos ito.

RANDEL: Wala ka namang dapat na ipagselos sa kanya e. Dahil para sa akin, you're the best at walang ibang pwedeng pumalit dun sa trono mong yon.

LUANA: Mukha mo! Tigilan mo nga ako. Hindi ako nagseselos no. Masaya ka.

RANDEL: Okay, fine. Hindi kung hindi. Pero ba't ka na naman ba galit sa akin? May nagawa na naman ba ako? Parang araw-araw na lang yan a.

LUANA: Ewan ko sayo. Dun ka na nga sa baba. Gusto kong magpahinga. (mahihiga ito sa kama)

RANDEL: Hay naku...ang asawa ko, nagtatampo na naman. Nang-aaway na naman. (mahihiga din ito at yayakap kay Luana)

LUANA: Ano ba? Bitiwan mo nga ako. Kadiri yang amoy mo.

RANDEL: (aamuyin ang sarili) Anong kadiri? Hindi naman masyado, grabe naman. Dumaan kasi kami sa palengke ni Badong.

LUANA: Umalis ka na sabi! Ano ba?

RANDEL: Hindi ka na galit?

LUANA: Alam mo, lalo mo lang akong binubwiset e.

RANDEL: Sorry na kasi. Kung anuman yong nagawa ko, sorry na. (yayapusin pa lalo ang asawa at paghahagkan sa may pisngi)

LUANA: Randel, ano ba? Ah! (mapapahawak sa tiyan)

RANDEL: Luana, bakit? (agad itong babangon)

LUANA: Sumipa na naman siya.

RANDEL: (with a wide smile) Talaga? Sige nga, baka sumipa ulit. (hahawak sa tiyan ni Luana)

LUANA: Tatanggalin mo ba yang kamay mo o gusto mong ikaw ang sipain ko?

RANDEL: Grabe naman. Damot! But anyway, hindi ba nakakatuwa na sumisipa yong baby natin pag magkasama tayo?

LUANA: Eh? Sinong nagsabi?

RANDEL: Di ba? Hindi mo ba napapansin yon? Aminin.

LUANA: Nagkataon lang yon no. Tsaka I know sumisipa siya kasi nafi-feel niya yong pagkabuwiset ko sayo. Baka pati siya nababanas sayo.

RANDEL: Grabe naman. Hindi ba pwedeng natutuwa siya dahil complete tayo? Di ba 'nak?

LUANA: Whatever!

RANDEL: A...by the way, speaking of our baby, nakausap ko na yong magiging OB mo dito. Bukas na checkup mo with her. And next month, malalaman na natin gender niya.

LUANA: Wait, pumunta kang hospital?

RANDEL: Yup! After kong makipag-usap kay Mr. Cariaco about sa flower supply, dumaan na rin kami ni Badong dun to make an appointment, para bukas di na tayo pipila.

Hindi malaman ni Luana kung anong sasabihin. She feels a little guilt in her heart that despite the things she does to him, the rudeness and hostility, siya pa rin ang iniisip ng asawa.

RANDEL: O, ba't natahimik ka? Hindi ka ba excited?

LUANA: Of course, I am. Baliw ka ba?

RANDEL: Ano kayang magandang name para sa kanya? Pwede bang junior kung lalaki? Randlieu Sullivan Jr. O, di ba? Ang lakas ng dating?

LUANA: Tss! Pwede ba Sullivan, tigilan mo ko? Gusto ko talagang magpahinga.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon