RANDEL: Ano, tara na?Hindi sasagot si Luana.
RANDEL: O, bakit? May ginawa ba sayo yong mga bata?
LUANA: Wala.
RANDEL: E ba't ganyan, ang haba na naman ng mukha mo?
LUANA: Tell me, ikaw ba nagpakalat na tayo na?
RANDEL: Ano? Ba't ko naman gagawin yon? E di nalagot ako sayo.
LUANA: Tss! Pwede ba, wag ka ng magmaang-maangan pa?
RANDEL: Hindi nga ako. Promise.
LUANA: Kung hindi ikaw, e sino?
RANDEL: Ewan ko.
LUANA: Haist! Kita mo na? Dahil sa mga pinaggagagawa mo, yan tuloy.
RANDEL: O, ba't ako na naman? Saan mo ba kasi nasagap yong tsismis na yan?
LUANA: Saan pa nga ba? And worse, kalat na kalat na daw.
RANDEL: Daw. Hindi ka sigurado?
LUANA: A basta, yon ang sinabi sa akin.
RANDEL: Nino? Ng mga bata?
LUANA: Ang mga bata hindi nagsisinungaling. Kung anong naririnig at nakikita nila, yon din ang pinaniniwalaan nila.
RANDEL: Wag mo na lang kasing pansinin yong mga naririnig mo.
LUANA: Sorry ha, di kasi ako kasing-kapal ng mukha mo.
RANDEL: Oo na, oo na. Wala na tayong magagawa tungkol diyan kaya hayaan na lang natin sila. (pabulong) Total doon din naman tayo papunta.
LUANA: Anong sabi mo?
RANDEL: Wala. Sabi ko, umuwi na tayo.
Lilipas ang ilang araw...
RANDEL: Next week, Thursday until Saturday, a-attend tayo ng seminar sa Solano.
LUANA: Tayo?
RANDEL: Oo tayo.
LUANA: Bakit pa?
RANDEL: Para malaman natin kung anong latest about farming and agriculture...which will benefit Cielo Puro.
LUANA: That's not what I mean. Haist!
RANDEL: So, what do you mean then?
LUANA: Bakit kailangan ko pang sumama? Kailangan ba talagang kasama ako?
RANDEL: But of course! Bilang secretary ko and one of my assistants, at siyempre bilang inspirasyon ko, kailangang kasama ka dun.
LUANA: Tss! Ba't di na lang si Sir Norman ang isama mo? Wag na lang ako.
RANDEL: Kasama din siya, siyempre. At di mo ba narinig sinabi ko? I said, I want my inspiration--
LUANA: Inspirasyon? Anong konek? Anong kinalaman nun sa pag-attend mo ng seminar? Hoy, pupunta ka dun para makinig hindi para manligaw. Tsaka sinong maiiwan sa farm kung ganun? E tatlong araw din yon.
RANDEL: Just like what we usually do sa ganitong mga pagkakataon, we designate people to look after each farm site kaya wala kang dapat na alalahanin.
LUANA: Can I be one of them then?
RANDEL: Huh! Asa ka pa.
LUANA: Pwedeng wag na lang akong sumama?
