LUANA: Ay pasensya na. Ito na, ito na. (magmamadali)LAIZA: Pasensya, pasensya. E kung nabilaukan yon, e di wala na. Natigok na't lahat-lahat wala pa rin yong juice niya.
LUANA: Sorry...
LAIZA: Sorry...amin na nga yan! (kukunin ang baso kay Luana) Babagal-bagal, tatamad-tamad. Maghanda na nga lang kayo ng merienda niya, hindi yong puro kayo tsismis at kaharutan. (sabay alis)
NEMO: (irritated) Aba't—nagsalita ang reyna ng mga mahaharot! Pigilan niyo ko, pigilan niyo ko. Papatulan ko na talaga yong malditang yon! Akala mo kung sino. Ang lakas makasipsip!
VANGIE: Oo nga. Pero di naman natin kasi siya masisisi. Di ba nga yong Brendang yon ang dahilan kung ba't narito siya?
LUANA: Ha?
VANGIE: Yong Brendang yon ang nagpasok kay Laiza dito.
LUANA: Ah...kaya naman pala e. Tumatanaw lang ng utang na loob yong tao.
NEMO: (yamot pa rin) Ay ewan. Basta ako, simula pa lang, mainit na talaga dugo ko diyan sa babaeng yan. Akala mo kung sino kung makaasta pag wala dito si mamang. Feeling ang bruha. E si Mamang at Sir Randel lang ata kasundo niyan dito e.
LUANA: O tama na yan. Ang puso mo, relax lang. Remember, ang beauty natin. Mabuti pa, magprepare na tayo ng merienda baka pumasok pa uli yon dito tas bugahan pa tayo ng apoy.
Tawanan ang tatlo.
Ilang saglit pa, lalabas si Luana mula sa kusina dala ang inihandang merienda para sa bisita. Saktong darating din sila Randel at Cora.
BRENDA: Randel! (agad na tatayo, yayakap sa binata at hahalik sa pisngi nito) I missed you so much. (hahawakan sa magkabilang pisngi si Randel) Did you miss me, too?
RANDEL: (agad na tatanggalin ang mga kamay ni Brenda pagkakita kay Luana na nasa may likuran, pilit na ngingitian ang bisita) O...oo naman.
BRENDA: Mamang! (sabay yakap kay Cora) Kumusta na po?
CORA: (manipis ang ngiti) Mabuti naman, hija, salamat. Ikaw?
BRENDA: Okay naman po. Teka, maupo na po muna tayo. (aakayin si Randel para maupo sa kanyang tabi)
RANDEL: Kailan ka pa dumating?
BRENDA: Kahapon pa. Di ba sinabi sayo ni Mamang na tumawag ako dito?
RANDEL: A, oo, nabanggit nga niya. Pasensya na, medyo nawala kasi sa isip ko tsaka may importanteng pinuntahan kasi si mamang kaya sinamahan ko siya.
BRENDA: Okay lang yon. At least, di ba, na-surprise ka ng konti.
LUANA: Um...excuse me po. (ise-serve ang dalang merienda)
RANDEL: Teka, ba't nandito ka? (titig na titig ito sa dalaga) Di ba may pinapagawa ako sayo?
LUANA: Mamaya ko na lang yon gagawin.
RANDEL: Bakit mamaya pa kung pwede namang ngayon na?
Masamang tingin lang ang sagot ng dalaga.
RANDEL: Okay. Just make sure na ready ka bukas sa first day mo. Ayoko ng palpak pagdating sa trabaho.
LUANA: (iirapan lang nito si Randel tsaka babaling kay Cora sabay ngiti) Mamang, kayo po, gusto niyo po bang ipaghanda ko po kayo ng maiinom? Mukhang pagod po kasi kayo e.