LUANA: Po?POLDO: Kapwa nag-aaral pa lang silang dalawa noon. Ang ama nila, si Senyor Sullivan, ang naging abogado ko. Siya lahat ang nag-ayos ng mga papeles at dokumento para lubusang malinis ang pangalan ko at makalaya. Ang laking utang na loob ko sa pamilya nila. Naayos yong kaso ko na ni isang kusing wala akong ibinayad. At higit pa dun, malimit sila pa mismo ang nagbigay sa akin ng pwede kung panggastos nung makalaya ako.
Hindi makakaimik ang dalaga. Patuloy lang ito sa pakikinig.
POLDO: Noong araw na maibaba ang kaso at makalaya ako, parang di ko malaman nun kung saan ako pupunta, kung saan ako ulit mag-uumpisa. Uuwi ba ako sa amin o tuluyang lalayo na lang para makaiwas na rin sa kahihiyan? Kinupkop nila akong magkapatid na noo'y naninirahan sa Maynila habang nag-aaral. Naging personal nila akong drayber. At dahil naunang nagtapos si Randel sa kursong kinuha niya, umuwi na siya agad dito sa Cielo Puro para siya na mismo ang magpatakbo nito habang naiwan pa rin si Lander para ipagpatuloy ang pagkuha niya ng abogasiya. Noong mga panahong yon, nalungkot ako dahil di na nila kailangan ang serbisyo ko at mapapalayo na ko sa kanila dahil mas ginusto ni Lander na magmaneho ng sarili niyang kotse. Ang hindi ko alam, may balak palang isama ako ni Randel dito sa hacienda kaya nandito ako ngayon. Napakabait nilang dalawa. Napakabuting mga bata. Nakakalungkot lang at wala na si Lander.
LUANA: Tay Poldo, mawalang-galang na nga po pero...meron po ba kayong gustong ipahiwatig kaya niyo nakwento sa akin to?
POLDO: Alam kong matalino kang bata, Luana at alam ko na alam mo kung ano yong tinutumbok ng mga sinabi ko. Mabait at mabuting tao si Randel at alam kong nagsisisi na siya sa ginawa niya sayo. Kaya sana, bigyan mo siya ng pagkakataon na itama yong mga mali niya.
LUANA: Pero Tay...
POLDO: Matuto kang magpatawad, hija. Wag kang palalamon diyan sa galit mo dahil sisirain ka niyan.
LUANA: (looks away, anger is in her eyes) Huli na po ang lahat para patawarin ko siya.
POLDO: Hindi pa huli ang lahat. Alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon dahil napagdaanan ko rin yan. Matuto ka lang sanang buksan ang puso mo. Wag mong hayaang lumago yang galit na meron ka para sa kanya. Dahil baka sa huli, ikaw din ang mahirapan.
LUANA: Kung talagang nagsisisi na po siya, bakit ayaw niya pa rin po akong pakawalan? Hanggang ngayon, nakakulong pa rin po ako dito.
POLDO: Sa tingin ko, ayaw ka niyang pakawalan dahil gusto muna niyang ipadama sayo na nagsisisi na siya.
LUANA: Kung yon po ang dahilan niya, para sa akin, hindi pa rin po yon sapat para manatili ako dito sa poder niya.
POLDO: Pasensya ka na hija, pero yon lang ang naiisip kong pwedeng maging dahilan kung bakit gusto ka pa rin niyang manatili dito. At pasensya ka na rin kung sa tingin mo hindi ko man lang naisip ang damdamin mo at si Randel lang ang inaalala ko. Gaya ng sinabi ko, malaki ang utang na loob ko sa kanya. At maliban doon, mabait at mabuti siyang tao di gaya ng inaakala mo. Itinuring ko na rin siyang parang pangalawa kong anak at ayoko lang na nakikita siyang nalulungkot at nasasaktan, o di kaya problemado at nag-aalala. Kaya nagpasya ako na tulungan siya kahit man lang sa ganitong paraan. At wag mo sanang isipin na inutusan niya akong gawin to o kinumbinsi para kausapin ka. Kusa ko tong ginagawa para sa kanya at para sa iyo din. Kami ni Cora, bilang mas nakatatanda sa inyo, nararapat lang siguro na ibahagi din namin sa inyo kung anong nararamdaman namin tungkol sa hidwaan niyong dalawa, hindi yong hahayaan na lang namin kayo, tatahimik na lang, magbubulag-bulgan, walang gagawin. Gusto lang naming gumabay sa inyo dahil may malasakit kami sa inyo. At kung ako ang tatanungin, sana matapos na. Sana maayos na ang lahat ang hidwaan sa pagitan niyo. At sa tingin ko, gusto na niyang makipagbati at makipagkaibigan sayo kung bibigyan mo lamang siya ng pagkakataon.