53 - Concession

1.6K 42 22
                                    


NEMO: Tumpak! Sa wakas, friend, gumana yang utak mo for the first time.

VANGIE: Uy, grabe naman to. Ang sakit mong magsalita a. Pero alam mo sa totoo lang, napansin ko na rin yan e.

NEMO: Weh...di nga?

VANGIE: Oo, ano ka ba? Ayoko lang pagtuunan ng pansin kasi alam mo na...delikado.

NEMO: Kaya ikaw, quiet ka lang ha. Dahil kung hindi, ako mismo tatahi niyang bunganga mo gamit yong panahi ng sako ng mga mais at palay.

VANGIE: Tse! Alam mong wala kang problema sa akin pagdating sa mga ganyan no.

NEMO: Weh...di nga?

VANGIE: Ewan ko sayo.

NEMO: Basta, yang bibig mo ha.

VANGIE: Itong bibig ko, kontrolado ko, e paano yong ibang nakakita?

NEMO: Yon nga lang. A basta bahala na. Basta quiet lang tayo.

VANGIE: Okay. Pero, teka, si Luana, talaga bang di niya napansin yon? Ang ibig kong sabihin, wala ba talaga siyang alam sa mga nangyari?

NEMO: Ano sa tingin mo?

VANGIE: Ako ang nagtanong kaya ikaw ang sumagot.

NEMO: Sa tingin ko naman......parang wala. Nakita mo naman yong reaksyon niya kanina di ba...nung nadulas ka? Tsaka yong reaksyon niya nung nagkamalay siya. Ni isang salita nga walang lumabas sa bibig niya e. Siyempre nabigla din yon at wala sa huwisyo nung time na yon.

VANGIE: Sabagay. Hindi ko kasi lubos maisip kung anong pwedeng mangyari pag nagkataon.

Pagdating nila Luana...

VANGIE: Okay ka na ba talaga?

LUANA: Alam niyo, paulit-ulit lang tayo e. Di pa ba sapat yong doctor's note para masabing okay ako?

NEMO: Gusto lang naman naming makasiguro.

LUANA: Sa huling pagkakataon, opo, okay na okay na po ako. Except lang dito sa mga binti ko, medyo kumikirot pa din.

VANGIE: Wag kang mag-alala, prenship, mamaya, imamasahe ko yan....para naman makabawi ako sayo kahit sa ganun man lang.

LUANA: Vangie...

VANGIE: Okay. Gagawin ko yon dahil kaibigan kita at labs kita.

LUANA: (mangingiti) Awww...sabagay, sino ba naman ako para hinidiian ang napakagandang offer mo, di ba? Salamat in advance prenship. Love you, too.

NEMO: Sige magpahinga ka muna dito ha. Tutulong lang kami dun.

LUANA: Pasensya na ha, di ko kayo matutulungan sa mga gawain dito. Next week na lang ulit.

NEMO: Ano ka ba? Kahit hindi na no. Dapat naman talaga pahinga mo tong araw na to, ikaw lang tong mapilit.

VANGIE: Oo nga. At sa tingin mo, dahil sa nangyari, papayagan ka pa rin ni Si--nila Mamang?

LUANA: Bakit naman hindi?

NEMO: Hay, Luana, wag ng matigas ang ulo, okay? Pag sinabi nila na magpahinga ka na lang, magpahinga ka na lang. Maiintindihan naman namin e. Ang hirap din kaya ng trabaho mo sa farm.

VANGIE: Oo nga.

LUANA: Eee...boring kaya ng walang ginagawa. Alalahanin niyo, pinagdaanan ko yan ng ilang taon.

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon