47 - Terrified

2.1K 39 29
                                    


All of a sudden, parang bumalik sa alaala ni Luana ang lahat ng nangyari, most especially ang sakit at ang pagkaawa sa sarili.

RANDEL: O, ba't di ka pa sumasakay?

Hindi sasagot ang dalaga, kuyom ang mga palad na nakatitig lang ito sa sasakyan.

RANDEL: Luana, ano ba? Anong oras na! Wag ka ng mag-inarte pwede ba?

Lilingon si Luana kay Randel at titingnan ito ng masama.

RANDEL: What?

Hindi ulit sasagot si Luana. Ibabalik nito ang tingin sa sasakyan.

RANDEL: Pwede ba Luana, tigil-tigilan mo ko sa mga drama mong yan. Stop wasting my time, will you?

LUANA: (mahina pero galit na tono) Kahit kailan, wala ka talagang puso.

RANDEL: Ano na naman ba to? Look, may mas maraming bagay pa ang mas importante kesa diyan sa pag-iinarte mo. Kaya tigilan mo na yan. Tara na. (gets in the car)

He's about to start the engine pero matitigilan ito dahil sa sasabihin ni Luana.

LUANA: Pag-iinarte? Siguro nga nasasabi mo yan dahil hindi ikaw ang nakaranas na kaladkarin at itali diyan sa upuan na yan na parang isang hayop.

By then, mapapatigil si Randel. Hindi ito makakasagot. Dahan-dahang lilingunin ang katabing upuan.

LUANA: Ano, hindi ka makasagot? Siguro naman naaalala mo pa yong ginawa mo sa akin nung dinala mo ko dito.

RANDEL: (mapaptingin sa malayo) It's been almost a year already. Can you just get over it?

LUANA: Get over it? At sayo pa talaga nanggaling yan. Ang lakas din naman ng loob mo at ang kapal ng mukha mong sabihin yan. Sabagay, madali lang namang sabihin ang isang bagay na hindi mo naman naiiintindihan ang ibig sabihin nito. Well, to tell you, I'll never get over it......I refuse to.

RANDEL: Stop this nonsense already. Let's go. (starts the engine)

LUANA: (smiles with sarcasm) You want me to get over it...e ikaw, kelan ka makaka-'get over' sa pamimintang mo sa akin sa pagkamatay ng kapatid mo?

Hindi makakaimik si Randel.

LUANA: See? Hindi ka makasagot. Walk your talk Mr. Sullivan hindi yong puro ka na lang dada.

RANDEL: I said I don't have time for this. (bababa ito at mahigpit na hahawakan sa braso ang dalaga at pilit na pasasakayin) Now, get in!

LUANA: No!

RANDEL: I said get in!

LUANA: Aray! Ano ba? Nasasaktan ako. Bitiwan mo nga ako!

RANDEL: Susunod ka sa sinasabi ko kung ayaw mong maulit yong nangyari noon.

LUANA: Ano, itatali mo uli ako para wala akong kawala?

RANDEL: Don't provoke me, Luana. Alam mo kung anong kaya kong gawin sayo.

LUANA: Hayop ka talaga. Halang ang kaluluwa mo. Buhay ka pa man din, nagsasaya na sila sa impyerno para sayo.

RANDEL: Shut up!

LUANA: Totoo naman di ba? Diyan ka magaling sa pananakot mo. Kaya hindi na ko magtataka na lahat sila dito imbes na respeto, takot ang meron sila para sayo.

RANDEL: Hindi ka ba talaga titigil?

LUANA: Pag sinabi kong oo, tatalian mo din ba tong bibig ko para tumahimik ako?

Here With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon