Mapapalingon si Luana kay Randel. Agad na magdudugtong ang mga kilay nito.LUANA: (in a soft but irritated voice) Magbihis ka nga.
RANDEL: Sorry. (agad na isusuot ang dala-dalang pang-itaas) Hindi ko kasi alam na... (mapapatingin ito sa mga bisita)
LUANA: Um...Zinnia, this is Randel, (emphasizes) my husband. Del, this is Zinnia, Zed's sister and my former classmate.
ZINNIA: Hi, handsome. (sabay lahad ng kamay, tila nang-aakit ang tingin at ngiti nito kay Randel)
RANDEL: (mangingiti) Hi. (aabutin ang kamay ng dalaga)
ZINNIA: It's so nice to meet you.
RANDEL: Well...the pleasure is mine.
LUANA: (softly) Tss!
Agad na mapapansin ni Luana ang marahang pagpisil ni Zinnia sa kamay ng asawa. At kung di pa binawi ni Randel ang kamay nito, parang wala na itong balak bitiwan ng dalaga.
RANDEL: Um...maupo muna tayo.
ZINNIA: (lalapit kay Luana at bubulong) Wow! Ang hot at ang yummy ng hubby mo. Napaka-gentleman pa. My kind of Mr. Perfect and Mr. Ideal. Pwedeng hiramin?
Mapapatigil si Luana at mapapatingin kay Zinnia.
ZINNIA: Joke lang, ito naman. Ang kay Caesar ay kay Caesar. Ang kay Luana ay kay Luana. Noted.
ZED: (pabulong) Zinnia, umayos ka nga. Nakakahiya.
ZINNIA: What? Nakikipagbiruan lang naman ako just like the old days. Hindi na kayo nasanay sa akin. Anyways, saan mo nakilala tong hunk hubby mo, Luana? I wanna know para mapuntahan ko. Baka sakaling makabingwit ako ng kagaya pa niya dun.
ZED: Zinnia... (nahihiyan na ito para sa kapatid)
LUANA: Sa...sa San Victorio.
ZINNIA: Oh...medyo malayo. (kay Randel) Tell me, good-looking, what do you do?
RANDEL: Um...I manage a business.
ZINNIA: Wow! Bongga ng asawa mo, girl. Businessman! Just like one of my exes. You know I had a boyfriend before. Si Jovan Lumerio. Naalala mo yon, girl? Yong nag-iisang anak ng may-ari ng pinakamalaking silver shop sa bayan. Yong crush mo dati pero sa akin nanligaw. Actually, ayoko siyang sagutin before kasi I know masasaktan ka pag nalaman mo. But what could I do? Mapilit siya e. So, sinagot ko na lang. Ang tagal ding naging kami. He even proposed to me to marry him kaso di ko in-accept.
RANDEL: But why?
ZINNIA: Coz I didn't feel na he's the right one for me. Anyway, would you mind if I ask what kind of business is it?
RANDEL: Um...it's also a farm, but not a flower farm.
LUANA: (with pride) Isa siyang haciendero.
ZINNIA: Come again? Did you just say haciendero?
LUANA: Mm-mm.
ZINNIA: Wow! Big time ka, girl. Pero siguro kung di ka naaksidente before, baka kayo ni Kuya ang nagkatuluyan.
RANDEL: Pardon? What did you say?
ZINNIA: Oh, hindi pa ba nasasabi ng wife mo? Manliligaw niya si kuya before. Right, Luana?