LUANA: La—Lander, I'm...I'm sorry. I'm so sorry, hindi ko sinasadaya.
LANDER: (mablis na ibabalik ang mga gamot sa lalagyan at ilalayo doon) Anong nangyari? Ba't ka napunta diyan? (aalalayan ang dalaga papuntang sofa)
LUANA: Ano kasi yong...yong tsinelas, nasuot sa ilalim ng lamesa. Tas yon, na—natabig ko yong mga bote. I'm sorry, di ko sinasadya. (nahihiyang tutungo) Please, wag ka ng magalit.
LANDER: (gently cups her face) Hindi ako galit. Sorry din kung napalakas yong boses ko. Nabigla lang kasi ako. Akala ko kasi kung ano na ang nangyari sayo.
Nabigla nga ito ng makita niyang hawak ni Luana ang isang botelya ng tini-take niyang gamot para sa kanyang karamdaman. Wala pang ibang nakakaalam ng tungkol dito maliban kina Clarence at William, not even the housemaids. At wala ng iba pang dapat makaalam tungkol dito lalong-lalo na ang dalaga.
LUANA: Ba't meron ka nung mga yon? Ano yon? Mga gamot?
LANDER: A...yon? Ano...mga...mga dietary supplement.
LUANA: Ba't andami naman ata?
LANDER: (mapapalunok) Magkakaiba kasi yon.
LUANA: A, ganun ba? Sorry ulit ha.
LANDER: Wala yon. Okay lang yon. Ano? Tara na? Gutom na kasi ako e.
LUANA: Sure ka hindi ka talaga galit?
LANDER: Magagalit ako pag lalo mo kong ginutom. (tatayo at kukunin ang kamay ng dalaga para alalayan ito sa pagtayo) Gusto mo ikaw kainin ko?
LUANA: Lander! (sabay kurot sa binata)
LANDER: Aray! (bahagyang matatawa) Joke lang, ito naman.
LUANA: Ikaw talaga, puro ka kalokohan. Lika na nga.
Mapapatingala na lamang si Lander at bahagyang mapapapikit dahil sa nangyari. Naisip nito he needs to be more careful next time.
In a few days, the results are released. Everything's fine at ayon sa espesyalistang tumingin kay Luana, malaki ang pag-asang magiging successful ang operation kaya ganun na lamang ang tuwa ng lahat maliban kay Lander. He's in the verge of happiness and sadness. He's happy, no doubt, dahil ito talaga ang tangi niyang hinihiling at gusto niyang mangyari. But he can't also deny the fact that a part of him is despondent because he knew very well that this would mean the start of a sad and painful adieu for the both of them.
LUANA: (habang nakayakap kay Lander) Honey, I'm so happy.
Nasa may tabing-dagat ang dalawa, nakaupo sa buhangin.
LUANA: I've waited for this for so long. At salamat sa Diyos, dumating din siya at last. And thank God din kasi binigay ka niya sa akin, na dumating ka sa buhay ko. Na kahit bulag ako, naranasan ko ring masilayan ang konting liwanang dahil sayo at sa pagmamahal na pinaramdam niyong lahat sa akin. (her voice starts to break) Sana masuklian kong lahat ng kabutihan niyo. (starts crying)
LANDER: Hush... (sabay punas sa lmga luha ng dalaga) Ayan ka na naman e. Di ba sabi ko sayo, ayaw ko ng makita na umiiyak ka. You promised me na di ka na iiyak, di ba?
LUANA: I'm sorry. Hindi ko lang kasi ma-contain yong nararamdaman ko.
LANDER: I know. (yayakapin din ang dalaga) Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya dahil sa wakas matutupad na yong mga pangarap natin. (pasisiglahin ang boses) Soon you'll be seeing this beautiful sight I'm seeing right now. This orange-colored sky, that blue sea during the day, si Nanay Helen, si Badong, si Minnie, si Gelai, yong mga kapitbahay natin, lahat ng magagandang bagay sa paligid mo, masisilayan mo na rin sila.
